Chapter 9: Preparations

56.5K 883 55
                                    

CHAPTER 9

JANELLE

Two weeks na lang ay ikakasal na ko sa kapreng 'yon. Sobrang cramming na sa preparations and everything. Now we need to meet the wedding organizer about sa entourage, reception etc. Bakit ba kasi may ganito pa? As if naman gusto ko ma-ikasal talaga. 22 pa lang ako. Ang dream ko ay ikasal ng 29 years old. Gusto ko maging single para makapagparty pa ko every friday night with my friends. Pero teka, magdidivorce nga din pala kami eh 'di ba? After 1 year, oo tama makakapagparty pa rin ako with my friends after a year. Babalik ako sa France para ipagpatuloy ang naudlot kong pangarap. Basta gagawa ako ng paraan. Maya-maya lang ay dumating na si Orion para sunduin ako. Susunduin niya daw ako dahil lagi akong late sa mga meetings.

"Let's go?" Ayan ang bumungad sa akin pag bukas ko ng pinto. I just nodded tapos ay lumabas na 'ko. Paglabas namin ng building ay agad kami sumakay sa kotse niya, blue na Porsche. T-teka! Blue na Porsche naman ngayon? 'Di ba dati black? Pinakulayan niya? Para kasing pareho lang nung una niya, iba lang yung kulay. Baka nga pinakulayan lang? Pagsakay na pagsakay niya sa driver's seat ay tinanong ko agad siya.

"Pinapinturahan mo ng bago 'tong kotse mo?"

He shook his head "No."

No? Kumunot ang noo ko "Hindi?"

"I own three different colors of this model." He said nonchalantly.

WHAT?! "Huh? Ano akala mo sa sasakyan, laruan? Binibili mo iba't ibang kulay?"

He chuckled "Masama?"

May sinabi ba 'ko? I crossed my arms tapos ay sumandal na lang ako. Yabang talaga kahit kailan! Si dad billionaire din naman ah, but he's not like that! Tatlo lang yata kotse niya at hindi kasing mahal nitong Porsche ang mga sasakyan niya. Teka madami kaya siyang sasakyan? Ilan kaya? "How many cars do you have?" I was being nosy this time, ewan ko ba sa dila ko, hindi ko mapigilan sa pagtatanong.

"Why?"

"Bakit masama magtanong?" I rolled my eyes. "Nagtatanong lang eh!" I mumbled.

I saw him grinned. "So far..." Sadya niyang binitin ang pagsagot niya. "Five."

My eyes widened. Napatulala na lang ako sa kanya dahil sa sinabi niya. It took me seconds before I could open my mouth and say "What?"

He shifted his gaze to me, he's still driving. "So far five." He grinned. Tapos humarap ulit siya sa kalsada. What the hell? Don't tell me may balak pa siya bumili? "Ano ba tingin mo sa sasakyan? Laruan talaga?" Tinawanan niya lang ako, baliw talaga.

After a few minutes the car has stopped, nandito na pala kami sa pupuntahan namin. May babaeng sumalubong sa amin, maputi, mahaba ang buhok, slim and petite. "Good afternoon." She greeted us. Grabe mukha siyang dwende sa tabi ng kapre, este ni Orion. Hehe peace :)

Umupo kaming tatlo sa couch, I was sitting beside Orion, and across us was the woman na sumalubong sa amin.

"So I guess it'll be a wedding of the year?" Maligayang saad niya.

Wedding of the year ka diyan!Gusto ko isigaw pero mas pinili kong tumahimik na lang, mahirap na, baka mamaya mabuko pa kami sa fake relationship namin. Orion nodded at ngiting ngiti ang loko "Well yeah."

Anong 'yeah' ka diyan? "I want a simple and private wedding." I said. Buti ay lumabas siya ng kusa sa bibig ko. Inunahan ko na kasi wedding of the year daw, ang ibig sabihin magiging grand wedding 'to and I don't want to spend millions on a wedding na matatapos din naman after a year. That would be a big waste of money for both of our families.

Trapped by ArrangementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon