Chapter 23: New What?!

46.5K 647 21
                                    

CHAPTER 23

Ang bilis ng araw. It's been two days after New Year. I celebrated it with Orion's immediate family. Buti na lang kapag New Year ay wala silang bisitang other relatives kaya wala doon 'yung pesteng Ivy na iyon! I hate that bitch. Ang kapal ng mukha na magmaganda eh panget naman siya, walang wala pa siya sa kuko ko.

Dahil New Year na, I have decided to do something. I want to change my look! Parang trip ko maging blonde. I don't know but these past few days I just wanted to change my look. Natural na light brown ang buhok ko, but I want something new. Kinuha ko ang phone ko, I dialed Patricia's number, she answered my call after a few rings. Niyaya ko siya na samahan ako sa salon, but she refused me. Meron daw siyang pupuntahan na iba kaya hindi niya ako masasamahan! Next time na lang daw. Syempre ayoko naman ng next time, I want it now! Kapag may gusto ako, I want to get it right away. Kaya hindi na 'ko makapaghihintay pa.

Alam ko na kung sino ang yayayain ko.

Bumaba ako para hanapin ang tao na pwedeng sumama sa akin. Ang kaso hindi pala siya tao dahil kapre siya. Yes tama kayo, si Orion nga! No choice na eh, wala naman kasi akong kotse. Si Patricia ang tinawagan ko kanina kasi pwede niyang akong sunduin at ihatid sa bahay. Dahil ayokong magtaxi, kay Orion na lang ako magpapasama.

Pumunta ako sa living room nagbabaka sakaling nandoon siya. I saw him sitting on the couch, silently reading a book. I breathed deeply. Sana pumayag siya, sana hindi niya ako sungitan ngayon. I walked towards his direction. Dahan dahan akong umupo sa tabi niya pero hindi niya ako pinapansin. He's still focus on the book he's reading. There were a few seconds of an awkward silence between us so I decided to break it by clearing my throat "Ehem" I glanced at him but he's still busy reading.

"Uhmm jerk- este Orion." I spoke. Nakita kong tumaas ang dalawang kilay niya, parang indication na nakikinig siya at sumasagot siya ng 'yes'. Nakatutok pa rin ang mata niya sa libro na binabasa niya. "Ahh pwede mo ba ako samahan?" This time he finally managed to look at me. Nakakunot ang noo niya na para bang naguguluhan. Bakit nga naman ba kasi ako nagpapasama sa kanya?

"Where?"

"Sa salon." Nakangiting sagot ko pero lalo lang kumunot ang noo niya. Binalik niya ang tingin sa binabasa niya. Aish, hindi pa yata siya papayag. Sino ba naman kasing lalaki ang papayag sumama sa salon? I bit my lip, I need to do make my 'paawa effect'. "Sige na? Please? Wala kasi si Patricia kaya samahan mo na ako please? Please?" Parang bata akong nagpipilit sa kanya habang hinihila-hila ko pa ang braso niya.

He sighed then closed the book he was reading. "Fine."

"Yey! Thanks!" Kulang na lang tumalon ako dahil napapayag ko siya! "Ang cute cute mo talaga!" Sabi ko tapos ay pinisil ko ang cheeks niya.

"Ouch. Masakit." He complained.

"Sorry." I apologized pero nakangiti pa rin na parang bata.

"Bilisan mo bago pa magbago isip ko." Maglalakad na sana ako pabalik ng kwarto ko nang ma-realize ko na nagtagalog siya. NAGTAGALOG SIYA! Hahaha ang cute niya talaga kahit masungit minsan. Bumalik ako sa tabi niya tapos pinisil ko ulit ang cheeks niya bago tuluyang bumalik sa kwarto ko.


*

We're currently walking inside the mall and finding the salon where my favorite hairstylist is working. Tulad nga ng inaasahan ko ay agaw eksena na naman 'tong kasama ko. Lahat nakatingin sa amin. Pinagsuot ko na nga ng shades para hindi makilala eh pero ayan pinagtitinginan pa rin siya ng mga panget na babae. After a few walks, I finally found the salon. Pumasok kami sa loob tapos ay may sumalubong sa amin na babae, syempre hindi maganda dahil ako lang naman ang maganda dito.

Trapped by ArrangementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon