Chapter 48: Adieu

52K 610 44
                                    

CHAPTER 48

"Wake up, anak." Isang malambing na boses ng babae ang gumising sa'kin mula sa mahimbing na pagtulog.

"Hmmm?" Ungol ko na hindi pa rin idinidilat ang mata. Lalo ko lang isinubsob ang mukha sa unan.

"C'mon, Janelle. You promised me na magbobonding tayo ngayon." Nagising ang diwa ko sa narinig kaya agad akong napabangon. Nakita ko agad ang isang magandang babae na nakaupo sa tabi ko.

"Mom?" Yeah, I almost forgot my promise! Madaling araw na kasi ako nakatulog kanina dahil sa pagparty namin ni Patricia kagabi. Post birthday party daw niya at Pre-birthday party ko naman daw. Good thing, this time ay hindi niya inimbitahan ang mga bitches noong bachelorette party ko.

"Mag-ayos ka na. Magsho-shopping ulit tayo remember? Let's go, we'll just meet your sister at the mall." She said. Mabilis akong nagtungo sa bathroom para maligo. Medyo matagal pa naman ako magbabad sa bathtub. Pagkatapos ng ilang oras na pag-aayos ay natapos na rin ako. Dumiretso kami ng mall at pumasok sa isang restaurant. Jessica was already there, waiting for us.

In the past few weeks ay naging maayos ang relasyon naming tatlong mag-iina. Palagi kami nagbobonding kapag may free time. I'm happy to have them in my life. Iyon nga lang hindi ko pa rin ramdam na kumpleto ang pamilya ko dahil masama pa rin ang loob ko sa daddy ko. I still haven't talked to him yet. Hindi ko alam kung kailan ba dapat, pero sa ngayon ay ayoko muna.

Pagkatapos namin magbonding ay umuwi rin naman agad ako, dahil na rin sa sobrang pagod ay nakatulog ako. Kinabukasan ay maaga akong nagising siguro ay dahil na rin sa maaga akong nakatulog. Pagbaba ko ay agad akong sinalubong ni manang.

"Hija, mabuti naman ay gising ka na. May dumating na papeles dito para daw sa'yo." Ini-abot niya ang isang brown envelope sa akin. I think I already know what it is. Kinuha ko ito sa kanya. "Nga pala, Happy Birthday." Bati niya sa akin tapos ay niyakap ako ng mahigpit. I just realized that today is my 23rd birthday. Bumitiw ako sa yakap ni manang, ngumiti ako and said "Thank you. I'm happy 'cause you're always there for me, manang."

"Sige, hija babalik lang ako sa kusina." Sabi niya bago ako tuluyang iwan. Naisipan ko na lang bumalik sa kwarto ko pero bago pa man ako makapunta sa may hagdan ay nakasalubong ko na agad si Orion na nakabihis at parang may lakad.

"Where are you going?" Takang tanong ko sa kanya.

Saglit siyang tumitig sa akin bago nag-iwas ng tingin. "Somewhere." Sabi niya ng naka-poker face ang gwapo niyang mukha. Suplado mode na naman!

"Saan nga?" Tanong ko pero parang hangin na nilagpasan lang niya ako. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng bahay. I pouted, tapos ibinalik ko ang tingin sa hagdan para umakyat na pataas. "Jerk! Suplado mode ka na naman? Kainis! Hindi man lang ako binati ng Happy Birthday? Badtrip." I murmured.

Pagbalik ko sa kwarto ay agad kong binuksan ang envelope. Tama nga ako sa hula ko. Biruin mo't sa birthday ko pa mismo dumating ito? I let out a sigh, then bit my lip. There's no turning back. Kailangan ko'ng gawin 'to, kung kailangan ngayong araw din mismo, gagawin ko na kaysa naman magbago pa ang isip ko.

*

"Mom! Where are we going?" Nagpapanic na tanong ko nang bigla na lang niyang takpan ang mata ko gamit ang isang eye mask. Dumating siya sa bahay kaninang hapon tapos ay pinagbibihis niya ako, so I did. Tapos pareho sila ni Jessica na hinila ako papasok sa kotse. Ngayon ay hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin.

"Just wait, sis" Narinig ko ang boses ni Jessica, tapos ay nagtawanan sila ni mommy. Medyo matagal tagal din ang naging biyahe. Tahimik lang sa loob ng sasakyan, ni hindi ko naririnig na nagsasalita si mommy at Jessica.

Trapped by ArrangementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon