Chapter 32: La Vacances

50.5K 651 34
                                    

CHAPTER 32

"Good Morning sunshine!" Sabi ko habang nag-uunat pa ng katawan. Ang sarap talaga matulog kapag weekends, I think 10 hours yata ang tulog ko. Isn't it wonderful? Maganda na naman ang skin ko ngayon dahil sobra sobra na naman ako sa tulog. As usual, nagtoothbrush muna ko at naghilamos ng mukha bago lumabas ng kwarto para bumaba papunta sa living room. Paglabas ko ng kwarto parang may naririnig akong nagtatawanan at nag-uusap sa baba. May bisita ba kami ngayon? Nagdadalawang isip ako kung bababa ba ako o hindi. Sakto naman na dumaan sa harap ko si Orion, tapos ay bigla na lang pumasok sa loob ng kwarto ko na may dalang... luggage? Kung nagtatanong kayo kung bakit nandito na si jerk, iyon ay dahil nakalabas na siya sa ospital noong isang araw pa. Sana nga doon na lang siya eh!

"Hey what are you doing?" Sita ko sa kanya. Ngayon ko lang napansin na nakasimangot siya at mukhang wala sa mood. Naka-suplado mode siguro.

"Our parents are downstairs. They might check on our room. I'm just putting some of my clothes here." Shoot! Ang parents namin nasa baba? OMG! They didn't know na magka-iba kami ng kwarto. 'Yung ginagamit kong kwarto ngayon ay ang master's bedroom ng bahay na 'to. Iyon ang dahilan kung bakit sa kwarto ko niya inilalagay ang mga damit niya ngayon. Ang ginagamit niya kasing kwarto ay ang guest room. Pero kung sakaling i-check nila ang kwarto ay hindi kaya sila maduda kapag nakita nila ang design at kulay ng wallpaper nito?

"Seriously? What are they doing here?" Nagpapanic na tanong ko. Ito ang first time na binisita nila kami.

"I don't know." He shrugged. Sumilip ako sa baba at nakita kong masayang nagkukwentuhan si daddy, ang parents ni jerk at si manang. Hindi naman siguro kami binuko ni manang hindi ba? Bumalik ulit ako sa may harapan ng kwarto ko, bukas naman ang pinto kaya nakikita ko si Orion na busy sa pag-aayos ng gamit niya. Halata naman sa kilos niya na naiinis siya at hindi komportable na nandito ang magulang namin. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko, parang may nagsasabi sa akin na 'wag akong bumaba. "Let's go" Naramdaman ko na lang na may humila sa akin pababa ng hagdan. Lintik na kapre 'to, balak pa yata akong ihulog sa hagdan.

"Mom, dad. What are you doing here?" Tanong niya sa magulang namin. Nasa likod niya lang ako dahil nga hila-hila niya ako kanina.

"Gising na pala kayo." Nakangiting sabi ni mom. "Kamusta ka na hijo? Ayos ka na ba ngayon?" She added.

"Absolutely fine mom."

"Eh ano po b'ang ginagawa niyo dito?" Singit ko sa usapan nila, tapos ay tumawa ako ng medyo awkward. Sana naman ay hindi ako magmukhang rude.

"Hija, we planned a vacation for both of you. Para makapagrelax na din kayo dahil puro stress na lang kayo sa work. Kita niyo na, nagkasakit na tuloy 'tong anak ko." His mom announced. Feeling ko eh kuminang ang mga mata ko.

"Talaga po?" Parang batang na-eexcite na tanong ko. Nag-nod lang si mommy as an answer. "OMG! This is going to be fun!" Yes! Vacation means no work! Ngayon pa lang nai-imagine ko na ang mga gagawin kong pagrerelax sa bakasyon na 'to. Since summer na naman, makapagpa-tan kaya? Oo tama, magsa-sunbathing ako para maging tan. Kaso kahit ano palang gawin ko ay hindi ako nangingitim. Kailangan ko pala ng tanning lotion. Tapos magsu-swimming ako dahil miss na miss ko na ang bitch-- este ang beach pala. Matagal tagal na rin yata akong hindi nakakapagrelax ng ganito. Simula kasi ng dumating ako dito sa pilipinas ay puro stress na lang ang nangyari sa buhay ko. First, I got engaged and married. Second, bumalik ang walang kwenta kong ex. Third, nagkaroon ako ng work na hindi ko naman ginusto. Ah basta, gusto ko na lang talaga ang makapagbakasyon. Waah nakaka-excited talaga!

"No need mom." This jerk beside me, answered. Wow, lahat ng gusto kong gawin parang naglaho ng parang bula. KJ talaga kahit kailan! Kapreng jerk at kill joy.

Trapped by ArrangementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon