Chapter 19: His family

48.4K 713 16
                                    

CHAPTER 19

Pagkatapos ng mahigit na isang oras na byahe ay nakarating na rin kami sa bahay ng parents niya. Actually in 30 minutes lang ay pwede na kami makarating dito kaso sobrang traffic. Kailan ba mawawala ang matinding traffic sa bansang 'to? Tsk. Pagpasok na pagpasok namin sa bahay nila ay si Ali kaagad ang bumungad sa akin. Ang cute talaga ng batang 'to! She hugged my waist dahil iyon lang ang abot niya kaya lumuhod ako to hug her at para magkalevel na rin ang katawan namin.

"Mom they're here!" Sigaw niya, agad naman na lumabas si tita from their kitchen. Ang ganda ganda niya talaga. Sa pagkakaalam ko nasa late 40's or early 50's na ang mother ni jerk. But she looks young, something like 30's.

"Hija!" Bungad niya sa akin kaya tumayo na ako mula sa pagkakaluhod ko.

"Hi tita!" Bati ko sa kanya, mabilis na lumapit siya sa akin tapos ay niyakap ako.

"Anong tita ka diyan? I told you before to call me mommy already hindi ba?" Ay oo nga pala. I already forgot.
"Sorry mommy." Sabi ko tsaka bumitaw sa pagkakayakap niya. Nakita ko naman na ang lawak ng ngiti niya.

"So mom why did you—" Si Orion. Hindi na natuloy ang sinasabi niya because I already gave him my bakit-hindi-ka-nagtatagalog-glare. "I mean. Bakit niyo kami pinapunta?" Ayan. Good boy.

"Wala lang. Bakit masama ba? Gusto ko lang makasama kayo kasi miss ko na kayo. Para na rin siguro makapagbonding tayo." Sagot ni tita— este mommy pala. Bonding? Parang naeexcite ako. Never ko pa naexperience ang family bonding. May magandang naidudulot rin pala ang pagpapasakal ko— este pagpapakasal ko dito kay kapreng jerk.
"Bonding?" Nakakunot noong tanong ni jerk. "Why do y— I mean. Bakit naman, mom? 'Di na kailangan"

"Tss, KJ talaga." I mumbled, good thing no one heard it.

"I want to spend this day with you and to our newest family member, your wife." Nakangiting sabi ni mom. Buti pa talaga siya ang bait. Bakit ang anak niya palaging may sumpong? Pagdating sa akin ganyan siya pero pagdating dun sa Jessica, he's willing to ditch me! Wala ba siyang pakiramdam? Gusto ko kaya makapag spend ng time with his family. Ang hirap kaya lumaki ng walang mommy at busy na daddy!

"But mom!"

"No buts, son." Sabi nito sa kanyang anak. "Let's go my newest daughter?" Binalingan naman niya ako ng tingin. She was smiling from ear to ear. Ramdam ko na gusto niyang nandito ako sa bahay nila. She grabbed my wrist at hinila niya ako papunta ng kitchen. Madaming mga ingredients na nakahanda sa counter. I think ang mga nandoon ay flour, sugar, salt. Tapos meron din eggs at kung anu-ano pa. Magbi-bake yata kami. This is exciting!

"Ano po'ng gagawin natin?" I asked. Alam ko magbi-bake pero 'di ko alam kung ano ba.

"We're baking a cake." Sagot niya habang busy sa pag-aayos ng mga ingredients sa mesa.

"Talaga po?" Nagdidiwang ang tiyan ko sa nalaman ko! Yay, sana chocolate cake! She just nodded tapos ay pinaghalo-halo na ang mga dry ingredients.

"Chocolate po ba? 'Yun kasi ang favorite ko."

"Anything that you want." Nakangiting sagot niya sa akin. Yay! Parang bata ako na tuwang-tuwa. Naisip ko tuloy, kung buhay pa kaya ang mommy ko, ganito rin kaya kami? Magkasamang magbake or magluto ng kahit na anong pagkain. Ang sarap isipin, but she's already gone.

Pinaghalo-halo na namin ang mga ingredients, we mixed it with the use of the mixer. Pagkatapos ng ilang minutong pagmix ng kung anu-anong ingredients ay nilagay na namin agad sa pre-heated oven. Sabi ni mommy mga 30-45 minutes pa daw 'yon, malaki kasi. Nagkwentuhan na lang kami habang hinihintay ang cake. She was asking me kung kamusta daw ba sa bahay, kung nagkakasundo daw ba kami. Syempre sabi ko 'oo' kahit hindi naman talaga. Or should I say medyo nagkakasundo rin naman kami. Mga once in a blue moon. After namin magkwentuhan gumawa naman kami ng icing para sa cake, malapit na daw kasi ma-bake 'yung cake kaya kailangan na namin gumawa ng icing. Syempre dahil ako daw ang masusunod, chocolate ang icing na ginawa namin. Tinikman ko ang icing gamit ang daliri ko, grabe! This is heaven! Chocolate forever and ever.

Trapped by ArrangementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon