Chapter 28: Phone Call

44.7K 660 25
                                    

CHAPTER 28

It's been more than a week pero hindi pa rin tumitigil si David sa paghatid sundo sa'kin sa trabaho. Si manang naman kasi eh, wala naman daw masama kung ihatid ako ni David dahil nagmamagandang loob lang naman daw 'yung tao. Para iwas din daw sa holdaper, snatcher, rapist, kidnapper at kung anu-ano pa. Mas ok daw sa kanya dahil kilala naman daw niya ang isa pang kapre na iyon kahit na ex ko pa siya.

Sa tingin daw ni manang ay hindi naman magagalit ang asawa ko— eww kadiri, asawa talaga? Hindi ba pwedeng jerk at kapre na lang? Hayaan na nga, atleast gwapo naman ang kapre na 'yon kaya pwede na rin pagtiyagaan.

4 more hours bago matapos ang office hours! Kung pwede lang tumakas ay ginawa ko na! Pero pwede naman hindi ba? Hindi naman siguro nila malalaman na tumakas ako. Basta gusto ko na umalis dito ngayon na! Isa pa ay anak naman ako ng may-ari nitong kompanya na 'to kaya wala naman sigurong magagalit— Well, except my dad.


Kinuha ko lahat ng gamit ko tsaka tuluyang lumabas ng office. Buti naman dahil busy ang mga empleyado sa mga ginagawa nila. Pero may isa pa pala akong problema, I don't have a car to use. Gusto ko pa naman pumunta kung saan-saan ngayon dahil friday naman. Gusto ko'ng umuwi ng madaling araw, sasamantalahin ko na habang wala pa si jerk. Malapit na umuwi ang lalaking iyon kaya hindi ko na ma-eenjoy. Speaking of him, infairness sa jerk na iyon, magtu-two weeks na siya doon pero hindi pa rin niya ako magawang tawagan, masyado niya na nga yatang nae-enjoy ang kung ano ma'ng ginagawa niya doon. Kahit text manlang sana ng 'Hi Janelle, what are you doing now? I miss you' or kahit wala na 'yung 'I miss you'—ay ewan! Bakit ko ba ine-expect na sasabihin niya iyon? Bahala na siya sa buhay niya. Aish bakit ko ba namimiss ang kapreng 'yon? I hate him!


Back to my real problem for this afternoon. I don't have a car. Ayoko rin naman magtaxi dahil super magastos, tsaka sa panahon ngayon ay sobrang nakakatakot sumakay sa mga public vehicles kapag madaling araw na. Baka mamaya maholdap pa ako, mahirap na. I think I need to call Patricia. We need to celebrate tonight for an unknown reason! Basta gusto ko lang mag-bar tonight.

I called her and luckily, after a few minutes ay dumating na rin naman agad siya para sunduin ako. Nobody knows that I sneaked out. Maybe ngayon ay alam na ng aking secretary because she's calling me. I rejected her call. After few seconds she tried to call me again but I rejected it again. She called me once again, pero dahil naiirita na ko ay sinagot ko na rin naman agad.

"What?!" I asked annoyingly.

"Sorry miss Janelle. Pero hinahanap po kayo ng daddy niyo." I have no idea why my dad is looking for me but I've made my decision, there's no turning back—naks gumaganun na ako ngayon. But seriously, hindi na talaga ako babalik sa office. Gusto ko'ng gumimik!

"Tell him na masama ang pakiramdam ko kaya nandito ako sa hospital for my check-up." Then I hung up. Ayoko na mag explain dahil wala naman akong dapat ipaliwanag pa. All I want is to go somewhere away from the office.

"Nako, Janella, ano b'ang trip mo?" Patricia said out of the blue. She's driving her car, habang nasa passenger's seat naman ako.

"Suddenly, feel ko lang magparty. Nakakamiss din kasi, alam mo naman ngayon, it's really impossible to do this when he's around kaya sinusulit ko na. Buti pa sa France, I'm free to do everything I want."

"Ang sabihin mo, mag-iinom ka dahil hindi ka naaalala ni Orion." She looked at me with her 'nakakalokong ngiti'.

"As if." Sabi ko sabay irap sa kanya, pero lalo lang lumaki ang pag-ngisi niya sa akin.


After few minutes we finally arrived at the bar. As usual, maingay dahil sa music and really crowded. Kahit hapon pa lang ay bukas na ang bar na 'to. Kapag Fridays kasi ay maaga sila kung magbukas, as early as 3PM ay open na ito para sa mga gustong gumimik ng weekends. Halos nakakabunggo na namin ang iba dahil sa dami ng tao. "Vodka please!" Pasigaw kong sabi sa bartender so he could hear me. He gave me my order tapos ay ininom ko agad ito. "Another one please!" Sigaw ko ulit pagkatapos ko'ng maubos ang isa. I saw in my peripheral vision that Patricia was already staring at me, kaya lumingon ako sa kanya. She gave me an anong-problema-mo-look.  "What?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.

Trapped by ArrangementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon