Chapter 40: Divorce

49.4K 686 36
                                    

CHAPTER 40

JANELLE

Nandito ako sa opisina habang naghihintay sa lawyer ko. He said that he'll bring the papers that I need to sign today. Dahil wala akong magawa ay binuksan ko na lang ang laptop ko tapos nagbrowse sa internet. Nagungunang issue pa rin ang tungkol kay Jessica at Orion. Ang dami ko'ng nababasang hate comments about Jessica. Hindi ko nga alam kung dapat ba akong matuwa dahil unti-unti nang nasisira ang pinagkaka-ingat ingatan niyang image.

Now, everyone thinks she's a bitch, slut, whore at kung anu-ano p'ang pwedeng itawag sa haliparot na 'yon. Dati anghel ang tingin nila sa kanya ngayon ay kabaliktaran na nito. Habang busy ako sa pagbabasa ng mga comments tungkol sa kanya ay narinig kong tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong tinignan at nakitang nagtext pala sa'kin si David.

From: David baliw

Good morning miss. Please don't forget to smile or else...

Hindi ko alam pero agad akong napangiti dahil sa text niya, agad naman akong nagtype.

To: David baliw

Or else what?!

Then I sent it. Wala pa sigurong isang minuto ay nagreply din agad siya

From: David baliw

or else papanget ka :)

Hindi ko na lang mapigilan ang mapangiti dahil sa ka-abnormalan ng lalaking iyon. Baliw talaga. Naalala ko tuloy ang usapan namin sa coffee shop noong isang araw.

"Just help me move on please?" Desperadong saad ko sa kanya.

"Do you even hear what you're saying?" Kita ko sa mukha niya ang pagkaseryoso. "Yes, Janelle. I still love you, but I don't want to be a rebound" Pakiramdam ko ay sinampal ako ng malakas dahil sa sinabi niya. I'm so desperate to move on kaya pati si David ay dinadamay ko na. Bakit hindi ko kaagad naisip ang pwede niyang maramdaman? In the first place, sino b'ang gustong maging rebound?

"I-I- I'm sorry. Masyado na akong desperada"

"Yes, I want to win you back but how can I do that if you're in love with him? That would be hard for me" Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. "And how sure are you, he doesn't feel the same toward you?" Bago pa ako makasagot sa kanya ay na-interrupt na agad ang pag-uusap namin dahil nag-ring ang cellphone niya at agad niya itong sinagot.

"Sorry, but this is something urgent, I have to go" Paalam niya tapos iniwan na ako mag-isa

Binalik ko ang tingin sa cellphone ko tsaka muling nagtype.

To: David baliw

Baliw. Crazy. Insane!

Then I sent it. Tatawagan ko pa sana siya kaso ay bigla na lang nangibabaw ang boses ni Carla sa loob ng tahimik kong opisina nang magsalita siya mula sa intercom.

"Miss Janelle, nandito po ang lawyer niyo" Sabi niya. Sa wakas ay dumating na rin ang kanina ko pa hinihintay.

"Sige papasukin mo" Pagkatapos kong sabihin iyon ay agad din naman bumukas ang pinto, tapos ay bumungad ang lawyer ko.

"Are you sure about this?" Bungad niya, referring to the papers.

"Of course, I'm sure about it" Confident kong sagot.

"Baka naman kasi nabibigla ka lang dahil sa mga nangyayari these past few days, and by the way napag-usapan niyo na ba 'to? I mean about these papers?"

Trapped by ArrangementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon