Chapter 21: Blue Roses

49.3K 741 34
                                    

CHAPTER 21

Para na naman akong baliw na nakatulala sa kawalan. Kahit kailan talaga napakaboring sa office ko. Bigla naman nagflashback sa utak ko 'yunh usapan namin ng in-laws ko noong isang araw.

FLASHBACK

"Gusto ko nang magkaapo sa inyo. Siguro naman next year kaya niyo na ibigay ang hinihingi namin?" Nakangiting sabi ni daddy. Feeling ko ay sinisilaban ako. Pinagpapawisan ako kahit ang lamig dahil december na. Next year daw? Aba december na kaya! At isa pa I can't imagine myself pregnant. Asa pa kayo! Kahit kailan hindi mangyayaring magkakaanak ako sa kapreng 'yan! But... on the second thought, eh parang hindi na rin naman ako lugi dahil gwapo naman ang kapreng 'to— ay lintik, what am I saying? Erase!

"That's too much to ask, dad." Orion said calmly pero halatang naiirita rin siya.

"It's not too much. Kahit sino naman gustong magkaroon ng apo."

Nakita ko na hinakawan ni mommy ang kamay ni daddy na nakapatong sa table. "But, hon. Wag mo silang i-pressure. They're too young for that" Sagot ni mommy.

"Mom is right. We're too young. This is not the right time." Echusero! Pustahan tayo, kung ako si Jessica malamang kanina pa natuwa ang kapre na 'yan. Baka nagtatalon pa 'yan sa tuwa. Pero buti na lang hindi ako si Jessica. Hindi na lang nakipagtalo pa si daddy. Maghihintay daw siya kahit 10 years pa ang abutin. Hindi na daw niya kami ipe-pressure. Gusto ko sanang sabihin na 'wag na siya umasa dahil madidisappoint lang siya. Next year ay maghihiwalay na rin kami ng unico hijo niya.

END OF FLASHBACK


Aish. Kinuha ko na lang ang sketch pad ko, mahilig kasi ako gumuhit ng kahit na anong na maisipan ko. Minsan sketch ng damit minsan sapatos naman ang dino-drawing ko. I opened it then turned the page. Each page ay may mga drawing na ng iba't-ibang design ng dresses. 'Yun kasi ang mga nai-drawing ko sa tuwing mabobored ako dito sa loob ng opisina ko. How I wish na sana someday ay maintindihan ako ni daddy at suportahan na lang niya ako sa dream job ko.

Nakarinig ako ng katok sa pinto, it opened, dumungaw si Carla. "Yes?" I asked her.

"Eh miss Janelle. May nagpapabigay po sa inyo." Pumasok siya loob ng office ko. She was holding a bouquet of Blue Roses. She went near me, tapos ay ipinatong niya ang bouquet of roses sa desk ko.

Napakunot ang noo ko. "Kanino naman galing 'yan?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko po alam eh. Baka po kay sir?" Imposible. Hindi ako pag-aaksayahan na bigyan nun. Baka 'yung Jessica bigyan niya pero ako? No way! Hindi ko namalayan na lumabas na pala ang magaling kong secretary. Blue Roses? Isang tao lang naman ang magbibigay sa akin ng blue roses. Bukod sa bestfriend ko, siya lang ang nakakaalam na favorite ko ang blue kaya kung papipilin ako sa bulalak, gusto ko ay blue na roses.

Nagring bigla ang phone ko kaya hinalungkat ko ang bag ko para hanapin 'to.


09xxxxxxxxx is calling...

"Hello?" I spoke.

"Did you like the flowers I sent you?" Napakunot ang noo ko sa narinig. His voice was also familiar.

"David." Tipid na sagot ko.

"Meet me at a coffee shop tonight. I'll send you the address. I'll be waiting." That's it, he hung up. So rude! He didn't even ask for my permission, kung papayag ba ako!


Natapos ang office hours na wala manlang nangyaring maganda sa buhay ko. Magkasabay kaming umuwi ni Orion ng bahay. Syempre siya lang naman ang may sasakyan sa'ming dalawa. Dahil magkasabay nga kami ay iniwan ko sa office ko 'yung blue roses na ipinadala ni David. Gusto ko pa naman sana ilagay sa vase tapos ilagay sa kwarto ko. Ayoko ng pairalin ang ego ko na kahit pa galing ang roses sa lalaking walang kwenta eh hindi ko tinapon. Sayang din naman kasi 'yung roses at isa pa blue 'yun, favorite ko! Inutusan ko na lang si Carla na ilagay iyon sa isang empty vase na nasa loob ng office ko.

Trapped by ArrangementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon