Chapter 25: Macarons

41.7K 684 24
                                    

CHAPTER 25

It's been three weeks after that stupid party of him pero araw-araw pa rin bumabalik sa utak ko ang mga nangyari noong gabing iyon. Naalala ko kung paano ko sila nakitang naghahalikan. 'Yung bagay na gusto kong itanong sa kanya noong gabing nag stargazing kami ay nasagot na. That night, I just want to ask him kung sino ba talaga si Jessica sa buhay niya. Pero sapat na ang mga nakita ko sa party. I know he really loves her. To be honest, hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ba interesado akong malaman kung ano ba talaga ang relasyon nila. Dakilang tsismosa lang siguro ako. Just kidding! My thoughts were interrupted when I heard a knock, kasunod nito ay pagpasok ni Carla sa office ko.

"Miss Janelle. May biglaan pong meeting ang board members. Kailagan po kayo doon. Now na." My eyes widened in surprise.

Seriously? "Teka. As in now na?" Oh my goodness! I'm fvcking nervous. "Hala Carla! Paano 'yan? 'Di ako prepared! Paano kung magtanong sila sa akin ng kung anu-ano? Hindi ko alam ang isasagot dahil wala pa rin talaga akong alam sa company na 'to!" I paced back and forth. Relax, Janelle. Relax! Grabe, pakiramdam ko ay pinagpapawisan na ako sa kaba.

"Nandoon na po silang lahat. Kayo na lang po ang hinihintay." Seryosong sabi ni Carla. Oh God please help me. Sana wala silang itanong na kung anu-ano sa'kin.

"Lahat? As in lahat?"

She nodded before answering me. "Yes po. Nandoon na po ang President and si Sir Orion." Pati si daddy? Waaah! "Bilisan niyo na po. Kayo na lang po talaga ang hinihintay nila."  Wala na akong choice kaya lumabas na ako ng office ko para pumunta sa meeting room. Nakasunod naman sa akin si Carla. Nasa tapat na ako ng pinto ng meeting room. Napapikit na lang ako tapos ay huminga ako ng malalim. Kaya mo 'to Janelle. Nandiyan naman si Orion, hindi ka papabayaan nun kahit jerk pa 'yun minsan.


Dahan-dahan kong binuksan ang pinto kaya tumambad sa akin ang mga panget nilang pagmumukha. Panget sila except kay dad at jerk. Nasa akin ang atensyon nilang lahat kaya lalo akong kinabahan. Sa dami ng tao dito ay siguradong hindi na nila ako masyadong mapapansin. Nakita ko naman agad si jerk na nakasuot pa ng eyeglasses. Lately napapansin ko na lagi siyang naka-eyeglasses. Mas lalo pa siyang nagmukhang matalino at gwapo dahil sa suot niyang iyon. Lalo tuloy siyang nagmukhang superman sa paningin ko! Urghhh!

"Hi dad." Pabulong na bati ko nang mapadaan ako sa kanya. There's only one vacant seat na nasa tabi pa ni kapre. Umupo ako sa tabi niya, I heard him whispered. "You're late again." Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Sanay na naman akong ma-late.

"Since we're already complete. I think we can proceed." Sabi nang matandang panot na nakaupo malapit kay Daddy. Hindi ko siya kilala, hindi ko halos kilala ang mga nandito ngayon. Bukod kay Orion at Daddy tatlo lang yata ang kilala ko sa mga 'to. 'Yung iba familiar ang mukha pero nakalimutan ko na ang pangalan.

They started talking about expansion. Tapos may investors chuchu pa akong narinig. Narinig ko rin ang word na shareholders at kung anu-ano pa. Obviously, I wasn't paying attention at walang balak mag-pay ng attention sa usapan nila. Hindi ko rin naman ma-gets. Inaantok lang ako sa mga usapan nila. Si kapre tahimik lang rin naman na nakikinig sa usapan nila. I took a glance on him, his face was very serious. Grabe ganyan ba talaga silang mga business minded na tao?

"President. I heard your son-in-law graduated from University of Oxford." Tanong nung isang shareholder kay daddy.

"Yes. He was." Sagot ni daddy habang abot langit ang ngiti.

"You're so lucky to have him in this company! I'm pretty sure he's an intelligent guy. Matatalino lang ang nakakapasok sa Oxford."

"Yes, indeed. He graduated as top 2 in their batch." Nakita ko na nanlaki ang mata ng mga nandito sa meeting room, kasama na rin ako dun! "If I'm not mistaken 1 point lang ang lamang nung top 1 sa kanya." Lalong nanlaki ang mga mata ko. Seriously?

Trapped by ArrangementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon