Chapter 31: Superman is sick!

48.3K 679 18
                                    

CHAPTER 31

JANELLE

We're on our way to the office. Itong kasama ko ay sobrang tahimik lang. Ibang-iba ang aura niya ngayon, maybe because he's still tired? Kahapon lang kasi ng madaling araw siya dumating from the US. Ewan ko ba dito, pwede naman hindi muna siya pumasok kung pagod pa siya at kung may jetlag pa siya pero masyadong bibong bata 'tong lalaking 'to. Kanina pa ako pasulyap-sulyap sa kanya, may iba talaga eh... there's something wrong in him. Tingin sa labas, tapos tingin ulit ng palihim sa kanya. Paulit-ulit kong ginagawa iyon. Tumingin ulit ako sa labas. Waaah! Naiinis ako sa sarili ko, kasi everytime na inaalis ko ang tingin ko sa kanya, hindi pwedeng hindi ako titingin ulit.

"What?" He said out of the blue. Ok fine, alam ko nahalata niya na ako.

"Anong 'what?'" I asked, kunwari ay hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya.

"Can you stop glancing?" Lumingon siya sa akin, saglit lang tapos binalik na ulit niya ang tingin niya sa daan, syempre baka mabunggo pa kami. Now I know kung anong mali sa kanya. He looks really pale. Hindi na lang ako sumagot sa kanya, but instead tumingin na lang ulit ako sa labas. Relax na relax ako sa pagkakaupo ko ng bigla siyang nagbrake kaya halos sumubsob na ang mukha ko. Buti na lang nakaseatbelt ako, kung hindi ay baka tumalsik na ko palabas sa sobrang lakas ng impact.

"Sh*t." I heard him muttered kaya napatingin ako sa kanya. Hinampas niya ang manibela, halata naman sa pagmumukha niya ang pagka-inis sa nangyari. May nag overtake kasi sa kotse namin kaya ayan muntik na kami maaksidente. Ano ba naman klaseng driver ang mga 'yon, kung gusto nila maaksidente ay wag na nila kami idamay! We arrived at the office safely. Buti na lang kahit na mukhang hindi okay itong kapre na 'to eh nakapagdrive siya ng maayos. Oh sige dahil nailigtas niya naman kami sa muntikan na aksidente, tatawagin ko na siyang superman ulit.

Sabay kaming pumasok sa building. OMG lang ang mga babaeng malalandi na empleyado, wagas na naman makatingin sa superman na kasama ko. Three weeks lang naman nawala, namiss na agad nila? "Welcome back sir!" Bati nung tatlong babaeng empleyado na halatang kinikilig kilig pa. Automatic na napataas ang kilay ko, wow lang. Siya lang talaga ang kailangang batiin? Tumingin ako kay Orion, pero nakapoker face lang. Ni hindi manlang nginitian ang mga palakang bumati sa kanya. Buti nga, malalandi kasi. Lihim akong napangiti sa nangyari.

Lumingon ako sa tatlong palaka with my 'mataray' look sabay sabi ng... "Oh, baka naman matunaw ang ASAWA ko." Inirapan ko sila tsaka ako naglakad palayo. Ang aga-aga nambubwisit sila. Lumandi kayo sa lalaking 'to kung magaganda kayo, kung hindi naman, magbigti na lang kayo mga panget! Napapansin ko rin na parang kanina pa wala sa mood 'tong kapre-- este superman na 'to. Sakto naman na kaming dalawa lang ang nasa loob ng elevator ngayon. "Are you okay?" Tanong ko sa kanya.

"Why?" Sagot niya. I rolled my eyes. Ako ang nagtatanong dito tapos sasagutin niya rin ako ng tanong?

I sighed. "You look pale, kanina ko pa napapansin. Are you sick?"

"So kanina ka pa talaga nag ga-glance sa'kin?" He smirked. Hay nako! Seryoso ako sa tanong ko sa kanya but look at him, nakuha pa'ng mang-asar!

"Ewan ko sa'yo." I crossed my arms sabay irap sa kanya. Sakto naman na bumukas ang elevator sa floor kung saan kami bababa kaya lumabas na ako, iniwan ko na lang siya tapos ay dirediretso ako sa office ko.

*

Busy ako sa trabahong nakakaboring, as in boring. Tsk kung hindi ko lang kailangan tapusin ang mga paper works na 'to, eh 'di sana inuna ko na lang ang pag-iisketch ko ng mga desings ko.

"MISS JANELLE!!!!" Dirediretsong pumasok sa office ko si Carla na hingal na hingal pa.

"What the hell, Carla? Bakit ka sumisigaw?" Kalmado kong tanong.

Trapped by ArrangementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon