Chapter 24: Constellation

51.4K 731 50
                                    

CHAPTER 24

I opened my eyes but I saw nothing but darkness. Ang alam ko lang ay nakahiga ako sa malambot kong kama. Kinapa ko ang lampshade sa tabi ng kama para buksan. Tsaka ko lang narealize na nakatulog pala ako maghapon. Sobrang napagod din siguro ako these past few weeks dahil sa stressful na office works na tinatambak sa akin! Urgh! I really hate my life! Bakit ba kasi hindi ko magawa ang talagang gusto ko?

Napansin ko ang wall clock na nakasabit. It's already 9 in the evening! My gosh ang tagal kong natulog! Ang alam ko ay mga alas dos pa lang ng hapon ay tulog na ako. Ganun ba talaga ako kapagod sa mga pinaggagawa ko this week? Mukhang sulit na sulit ang rest day ko. Literal na REST!

Bumaba na ako papuntang kusina dahil nagugutom na ako. Una ko agad nakita si manang na sa tingin ko ay katatapos lang magluto kaya naglilinis na lang siya ng mga ginamit niya sa pagluluto kanina.

"Hija. Gising ka na pala?"

"Obviously yes." Pilosopong sagot ko but in a sweet way. Hindi ko kaya kayang sungitan 'yang si manang. "I'm hungry na po. By the way where's that kapre? Kumain na ba siya?" Oops. Why am I even asking about him? Lintik na dila 'to, kung anu-anong lumalabas. Nakita ko ang pag ngiti sa akin ni manang. "Miss mo na agad?" Sabi na nga ba mang-aasar lang siya. Aish.

I pouted. "Of course not." Bakit ko naman siya mamimiss? Asa pa!

"Nakita ko siya sa may garden kanina. Pwede bang pakitawag na rin dahil hindi pa kumakain iyon."

"Ok." I said nonchalantly. Lumabas ako para puntahan siya sa garden dahil nandoon daw siya. It's funny because we live in a huge house, eh dalawa lang naman kami. Well tatlo pala, kasama kasi si manang. May malaking swimming pool at isang malaking garden.


I saw him lying on the grass, looking at the sky. He's using his two arms to support his head. What the heck? Is he crazy? Lumapit ako papunta sa kanya. Napansin naman niya ako agad. He glanced at me pero binalik din agad ang tingin sa langit.

"Anong trip mo?" I asked.

"Moonbathing." He said nonchalantly. Moonbathing daw? Aba sira talaga 'tong lalaking 'to! Sayang gwapo pa naman sana kaso nababaliw na. I gave him an anong-sinasabi-mo-diyang-baliw-ka-look.

He chuckled and said. "Stargazing. Join me." He said, smiling while patting the ground beside him as if he's asking me to lay there beside him. Tinitigan ko lang siya, para kasi siyang nababaliw na ewan. "I said join me. Come here." He commanded. "Rule numb—"

"Fine! Kailangan ipaalala pa ang rules na 'yan?" Padabog akong humiga sa damuhan katabi niya. I saw a smile formed on his lips. "Rule Number 1: You will follow everything I say." I murmured habang nagme-make face. 'Yan naman lagi niya panakot niya sa akin. Bakit ba kasi ako pumayag?

"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Mukha kang baliw." Prankang sabi ko habang nakatingin sa langit

"Looking at myself in the sky." Huh? Ano daw? Anong pinagsasasabi ng kapreng 'to? Jusko baliw na nga yata talaga ang isang 'to. I looked at him in my confused look. He's too close from me. Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya. Damn it bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko?

"Do you see those stars?" Saad niya kaya napatingin ako sa tinuturo niya. 'Yung tatlong magkaka-align na stars. 'Yung stars na favorite ko, kasi iyon ang palagi kong nakikita everytime I look at the nightsky. Dahil doon ay iyon na rin ang palagi kong hinahanap tuwing titingin ako sa langit.

"Yung tatlong magkaka-align?" I asked not trying to look at him. Na-ilang ako bigla dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.

"Yes." I heard him sighed. "That's Orion's belt." Pero dahil sa sinabi niya, hindi ko na napigilan ang mapatingin sa kanya. Seriously? 'Yan ang part ng Constellation Orion? After all this time, 'yun pala ang constellation na iyon?

Trapped by ArrangementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon