Chapter 45: Darn This Heart

48.2K 628 65
                                    

CHAPTER 45

JANELLE

Gusto ko'ng pumunta sa ospital. I badly want to visit my dad but I'm too afraid at the same time. Afraid that I would see my biological mother there. I'm not yet ready to face her. Baka lalo lang lumalim ang galit na nararamdaman ko para sa kanya. Kasalukuyan akong nandito sa isang bahay ng pamilya ni Orion sa Antipolo. Dito niya ako dinala noong araw na malaman ko ang katotohanan tungkol sa pagkatao ko-- when I told him to bring me somewhere away from those people. Pumunta ako sa kusina dahil nagugutom na ako. As usual ay may note na naman na nakadikit sa fridge.

I'll be back in a few hours.

Ilang araw nang ganito ang set up namin. He'll just leave a note because I'm not using my phone. I turned it off so nobody can contact me. All I need right now is peace of mind, at hindi ko makukuha 'yon hangga't may mang-iistorbo sa akin.

"Janelle!" Narinig ko ang matinis na boses ni Patricia. Naghahallucinate na siguro ako dahil sa sobrang depress ko. "Janelle, where are you? Ang laki ng bahay na 'to, are you even here?" Sa tingin ko ay hindi ako naghahallucinate, naririnig ko talaga ang boses niya.

Umalis ako ng kusina para hanapin kung saan nanggagaling ang boses niya. "I'm here!" Sigaw ko para mas madali niya akong mahanap dahil tulad nga ng sabi niya ay malaki ang ancestral house na ito.

Nang makita niya ako ay mabilis niya akong niyakap ng mahigpit. Hindi ko na naman napigilan ang pagiging emosyonal ko. Tumulo na naman ang luha ko. "Janella! Why did you turn off your phone? Nag-aalala kaya ako sa'yo! Hindi kita ma-contact! Nalaman ko ang tungkol kay tito, then I tried to contact you pero cannot be reach!"

"I'm sorry. Ayoko lang kasi na abalahin ka pa"

Bumitiw siya pagkakayakap "Ano ka ba naman! I'm still your bestfriend. You can always count on me, remember?!"

"But how did you know I'm here?" Tanong ko. Ngumuso lang siya sa likod ko kaya sinundan ko ng tingin 'to. I saw Orion standing there. Bahagya siyang ngumiti bago tumalikod tapos ay lumabas ng bahay.

Dinala ko si Patricia sa kwartong pansamantala kong tinutulugan gabi-gabi, nasa second floor ito ng bahay. Doon ko ikinuwento ang lahat lahat sa kanya. Lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Mula sa pagkaka-ospital ni daddy. Noong iniwan ko siya sa mall ay tinawagan ko siya at sinabi na kailangan kong puntahan si daddy pero hindi ko naman sinabi sa kanya ang tunay na nangyari dito.

Pati ang nangyari noong isang araw ay ikinuwento ko rin sa kanya. Pati siya ay hindi makapaniwala sa narinig. Hindi siya makapaniwala na sa sobrang liit ng mundo ay mas naging komplikado ang lahat para sa akin. Na sa sobrang liit nito ay malalaman ko pa na kapatid ko ang babaeng kinamumuhian ko ngayon. Such a crazy life indeed.

Hindi ko inakala na may koneksyon pala kaming ng babaeng iyon-- ang babaeng dahilan ng pag-iwan sa akin ni David noon. Walang nakakaalam kung gaano ako kamiserable dati. Para akong tanga na umiiyak gabi gabi dahil sa first heartbreak ko.

*

Maaga akong gumising para puntahan si daddy sa ospital. Hindi ko na kaya ang hindi makita ang daddy ko. Lagi naman sinasabi sa akin ni Orion na okay lang siya pero hindi ko na talaga matiis na hindi siya puntahan.

Pagbukas ko ng pintuan ng private room ni daddy ay hindi ko nagustuhan ang taong nakita ko doon. "What the hell are you doing here?" Halos sigaw ko sa babaeng nakatayo sa harapan ni daddy. Pareho silang napalingon sa akin.

"Janelle, anak--" Lumapit siya tapos ay hinawakan ang kamay ko pero mabilis ko siyang na-itulak.

"Pwede ba, huwag na huwag mo kong matatawag na anak! You're not my mom!"

Trapped by ArrangementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon