Chapter 46: Accident

53K 657 23
                                    

CHAPTER 46

Occupied na naman ang utak ko ng ibang bagay kahit na nandito ako sa trabaho ngayon. Nakaharap lang ako sa laptop ko pero hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko. Sa ngayon ay medyo nabawasan na ang problema ko. It's been three weeks since nakalabas si daddy sa ospital.

"Lunch?" Tanong ng lalaking may nag-iisang british accent sa kompanya na 'to. Hindi ko namalayan ang pagpasok niya sa office ko. Nakatingin siya sa akin na abot langit ang ngiti pero kahit ano sigurong ngiti ang gawin niya sa harap ko ay hindi pa rin ako mahahawa.

Ibinalik ko na lang ulit ang tingin ko sa laptop ko. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin hanggang sa ang desk ko na lang ang pagitan naming dalawa. May ipinatong siya dito, nang tignan ko ito ay isang malaking box ito ng Ferrero. Mukhang alam niya na talaga ang magpapasaya sa'kin. Unfortunately, I don't think this chocolate can take away all the sadness I'm feeling right now.

"Let's eat?" Tanong niya ulit kaya ibinalik ko ang titig ko sa kanya. He's smiling like a little kid. I just shook my head as answer. "C'mon--" He started but I cut him off.

"Just leave me please. Leave me alone." I told him, but the truth is, I don't want him to leave me. Ayoko lang na makita niya akong ganito dahil alam kong maaawa lang siya sa akin, at ayokong kaawaan niya ako.

He let out a deep sigh "I won't do that."

"Why not?" I asked. It took him few seconds to answer me.

"Because—"

"Because, naaawa ka sa akin?"

"No!"

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo ko sa swivel chair para lumapit sa kanya. "Because my dad told you to?"

"Definitely not!" I saw annoyance on his face. He scratched his head in frustration. "Would you stop pushing me away and just listen to me first?" Nagulat ako sa naging outburst niya kaya naman natigilan ako sa pagmamaldita sa kanya. I don't know why pero gusto kong matawa dahil sa nagiging reaksyon niya ngayon, pero pinilit ko ang maging seryoso kahit na sa loob loob ko ay hindi ko alam kung bakit natutuwa ako.

"Listen... I'm not here because your dad told me so. I'm not here because I pity you or because of whatever bullsh*t you think it is!" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay mabilis niyang pinasadahan ng kamay ang kanyang buhok, halata sa itsura niya ang pagka-inis. Weirdong kapre. "Janelle, I care for you, okay? I care for you because I-i..." Then he stammered at the last word. Kumunot ang noo ko habang hinihintay ang gusto niyang sabihin.

"What?!" Naiinis kong tanong. Pwede ba kung sasabihin mo'ng 'I love you' ay diretsuhin mo na ako. Sa isip-isip ko. Okay, assuming na kung assuming. Masama b'ang umasa na baka iyon nga ang gusto niyang sabihin?

"Uhh I—" Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya because we were interrupted by someone who entered the room.

"Sorry po, Sir. Pero hinanap po kayo ng daddy niyo"

"Istorbo" I murmured and rolled my eyes. Bwisit itong secretary ni jerk. Hindi niya ba nakikita kanina na nag-uusap kami? Hindi rin marunong kumatok!

Lumingon sa kanya si Orion. "What is he doing here? Urgh. Tell him I'll be there in a minute." Tumango lang sa kanya ang secretary niya tapos ay lumingon ito sa akin. I just glared on his secretary hanggang sa tuluyan na itong umalis ng silid at mawala sa paningin ko. Pagharap sa akin ni Orion ay mabilis ko rin binago ang ekspresyon ng mukha ko. Ngumiti ako ng pilit sa kanya.

"Alis na. Bilis!" Tumayo ako mula sa pagkaka-upo para itulak siya palabas ng opisina ko.

"We'll talk later!" Sigaw niya bago ko pa tuluyan isara ang pinto.

Trapped by ArrangementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon