Chapter 10: Bachelorette Party

54.8K 822 68
                                    

CHAPTER 10

3 days before the freakin' wedding, Patricia visited me here in my place. Pinagbibihis ako dahil may pupuntahan daw kami. I have no idea where and what for. "C'mon Janelle, bilisan mo!" Nagmamadaling 'aya sa akin ng magaling kong bestfriend.

Wow huh dadating dating ka bigla dito tapos pagmamadaliin mo ko? At isa pa, 9 na kaya ng gabi.Gusto kong isigaw sa kanya pero sinarili ko na lang. "Where are we going ba kasi? Gabi na kaya!" Pagrereklamo ko.

"Hang out lang with our high school friends!" Halos mapanganga ako sa sinabi niya.

High school friends? Ano naman kaya meron sa mga fake na 'yon at gusto makipag-hangout? "High School friends? Eh ikaw lang real friend ko nung high school! Lahat sila fake! Feeling close lahat, mga social climbers."

"Relax bes. Gusto ka lang nila i-congratulate on your wedding!"

I rolled my eyes "Feeling close lang."

"Yaan mo na, tara na bilis!" Tapos hinila na lang niya ko palabas ng condo ko. I almost forgot to lock it.

After few minutes we have finally arrived in a Club somewhere in Manila. Wow huh, girls' night out lang ang peg? And with those fakes? Pumasok kami sa VIP room ng club na nasa 2nd floor. Pagpasok namin ni Patricia, gulat na gulat ako sa mga nandoon sa loob. 'Yung mga bitches nung high school, ang mga social climbers na actually hindi naman talaga social climbers dahil anak din naman sila ng mga mayayaman na businessman pero para sa akin, social climbers pa rin sila. Isa-isa silang naglapitan sa'kin.

"Janelle! How are you? It has been 3 or 5 years right? Still remember me? I'm Fiona." Tapos nakipagbeso-beso pa sa akin ang bruha! Medyo eww lang. Gusto ko maglagay ng sanitizer sa mukha ko. Like seriously! And yes, I still remember her, siya lang naman ang classmate namin na iba-iba ang boyfriend every week at feeling close sa akin! Kadiri!

May lumapit na naman sa'kin na isa pa. "Janella, Oh my gosh. I can't believe you're getting married to Orion! Gosh he's my long time crush, pakilala mo naman ako!" Hashtag medyo makapal ang mukha. I know her, one of the bitches too, Casey. Grabe naloloka na ako sa ka-plastikan nila, mga feeling best friends, eh nandito lang naman to use me to befriend that jerk!

Maya-maya pa may ay lumapit na naman sa akin. Maputi, makinis at sobrang tangos ng ilong. Well she's pretty, but I'm prettier- err I mean GORGEOUS. "Janelle, still remember me?" Napakunot naman ang noo ko, hindi kasi siya familiar sa'kin.

"Uhmm who are you?" I asked her, 'di ko kasi siya maalala.

"I'm Maddie! 'Di mo na 'ko matandaan?"

Maddie? Maddie? Wait, Maddie? As in Maddie Gonzalez? 'Yung sobrang panget kong kaklase dati? 'Yung maitim at walang ilong. "Maddie... Gonzalez?" Tanong ko, still unsure kung tama ba na siya nga 'yon.

She nodded, tuwang-tuwa nung maalala ko. "Yes!"

"Hahahahahahaha!" I laughed. I caught all of their attention.

"Oh my god! Paano kita makikilala eh ibang-iba na itsura mo!" Prangkang sabi ko dito habang tumatawa. "Ilang beses ka ba nagparetoke?" I frankly said again. Sige na, ako na masama, eh kasi naman. Hindi ko talaga mapigilan ang pagtawa ko. "Magkano nagastos mo sa pagpaparetoke? Gosh trying hard huh!" Pang-iinsulto ko pa, naiiyak na siya sa mga panlalait ko. Well, was it bad to tell the truth?

I can't suppress my laughter. "Janelle, stop it!" Patricia whispered to me, nakatingin na kasi sila sa akin lahat. Si Maddie, paiyak na.

I composed myself, finally managed to control my laughter. "Oops, sorry Maddie, didn't mean to offend you." I apologized in an insulting tone. I'm so good at it. Oh well, I'm still laughing mentally! Grabe lang kasi, atleast nagmukha na siyang tao ngayon. Buti na lang anak mayaman rin siya, kung hindi, forever siyang panget. Umupo na kami ni Patricia, bigla naman umupo si Fiona sa tabi ko, feeling close talaga.

Trapped by ArrangementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon