Chapter 13: Visitor?

51.2K 787 33
                                    

CHAPTER 13

He's really getting to my nerves! I actually wanted to thank him for doing that, dahil ipinamukha niya kay David na hindi ko na siya mahal. Kahit na sa totoo lang mahal ko pa rin ang bwisit na 'yon. Pero imbis na matuwa ako ay lalo akong nainis! Iniisip niya pa na nakikipagflirt ako kay David. Pero bakit ba siya nagagalit? Was it because I was with my ex or because I didn't study the business sh*t he gave me? Well he's definitely mad not because of my ex... yeah, why he would be mad about it anyway? It's definitely all about me sneaking out.

I was sitting on the couch while hugging a pillow and watching my favorite TV program when I heard the doorbell rang. Sakto naman na dumaan si jerk.

"Hey why don't you open the door?" He told me. Utusan daw ba ako? 

I looked at him with my killer glare but it has no effect on him right now. "Why don't you open it on your own?"

"Why would I? It's not my visitor anyway." He smirked. Not your visitor? Paano naman kaya siya nakasiguro na hindi kanya 'yun? Imposible rin naman na akin kasi nasa New York si Pat ngayon dahil nagbabakasyon ang bruha.

"Open it!" He ordered. Kita mo 'tong taong 'to, maka-utos wagas!

"Ayoko."

"Rule number—" Pero bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay agad na akong tumayo at padabog na ibinagsak ang unan sa couch. Tss... Nakakainis na 'yang rule number 1 na 'yan. Bakit kasi naunahan niya ko doon?

"Eh bakit ba kasi wala kaming maid? Ang laki-laki ng bahay na 'to tapos wala manlang kaming maid? Kaasar!" I mumbled. Naglakad ako papunta sa labas para buksan ang gate namin. I was really surprised sa nakita ko si manang Rose! Ang nag-alaga sa akin simula bata ako hanggang bago ako mag-aral ng college sa France. She's like a mother to me. Siya lagi kasama ko sa bahay dahil busy si daddy sa company niya. I hugged her. I missed her so much! I can't believe after how many years makikita ko siya ulit.

"Janella, kamusta ka na?" Tanong niya habang nakayakap pa rin ako sa kanya.

I released her from my hug. "I'm doing fine. How about you po? How did you know I live here?"

She giggled. "Ok lang ako."

"Buti naman po binisita niyo ako, namiss ko po kayo ng sobra." Ang saya saya ko lang ngayon kasi nandito siya. "Huh?" Napansin ko na may mga malalaking bag sa likod niya.

"Ay..." Kinuha niya ang malaking bag sa likod niya. "Ako nga pala ang magiging katulong niyo simula ngayon."

"Really? Oh my gosh!" Niyakap ko siya ulit. Sobrang saya lang ng nararamdaman ko ngayon.

"Let's go inside na." I told her while helping her with her baggage. Pagharap ko sa likod nagulat ako dahil nandoon pala si Orion, a smile formed on his lips. Does he know anything about this? Lumapit siya sa amin at tinulungan si manang sa mga gamit niya. Pagdating namin sa loob agad ko naman hinatak si manang tsaka umupo kami sa sofa. "I thought you want to live peacefully in your province? Then what are you doing here?" Sabi niya kasi dati na titigil na siya sa pagtatrabaho para makasama na ang family niya sa province nila.

"Nakakaboring din pala kasi kapag walang ginagawa. Buti na lang ang daddy mo ay tumawag ulit sa akin at tinanong kung gusto ko daw b'ang bumalik kasi bumalik ka na galing France at nag-asawa."

"Admit it. You missed me 'no?" Pangungulit ko sa kanya na parang bata.

Tumawa siya at sinabing "Oo naman. Miss na miss ko na ang spoiled brat at makulit kong alaga." Napangiti naman ako sa sinabi niya, alam ko naman 'yun. Siya lang naman ang nakatiis sa ugali ko eh. 'Yung ibang natatanggap na katulong sa amin dati, wala pa yatang dalawang araw ay nagreresign na because of my attitude. Well you can't blame me, I just don't trust their ugly faces. Some of them looked like a wicked witch that really frightens me.

"I think you should rest na po. I'm sure pagod na po kayo sa biyahe." Hinatid ko na siya sa maid's quarter na nasa first floor lang rin naman. Bago siya dumating ay walang kaayos ayos ang kwarto na 'yun dahil nga wala pa kaming maid.

Paglabas ko ng kwarto niya dumiretso naman agad ako pabalik ng living room. Nandoon ang magaling kong asawa—err I mean si Orion, naka-upo sa couch. I smiled at him this time. "Hey, did you know anything about it?" Naalala ko kasi ang sinabi niya kanina na buksan ko raw ang pinto kasi hindi naman daw niya bisita 'yon. So alam niya 'to!

He smirked and just shrugged. Look at him, napaka-ayos talaga kausap!

"I know you have something to do with it."

"Well it's your dad's... actually." He said, grinning.

"Well thanks. I appreciate it."

"Are you sick?" Tumayo siya tapos lumakad palapit sa akin, hinawakan niya ang noo ko. "You don't have a fever."

Ay lintik, buti nga at nagthank you pa ko hindi ba? Tinapik ko ng mahina ang kamay niya. "Stop it!"

He chuckled. "Because you said thank you."

"Was it bad to say that?" Pagsusungit ko sa kanya.

He smiled. "No."

"Hindi naman pala eh!"

Tumawa siya ulit at ginulo ang buhok ko. "You're so cute!"

"Excuse me? Hindi ako cute, maganda ako! Magkaiba 'yon!" I crossed my arms. "Pwede 'wag mo guluhin ang buhok ko?"

The smile on his face faded away. "Have you studied the files I gave you?"

Oh shit! Isang page pa lang yata ang nababasa ko dun dahil 'di ko talaga maintindihan!

"Janella!" In an instant his reaction has suddenly changed.

"Uhmm. A-ano... eh kasi... Hindi pa." I scratched my head. Nakakatakot na ang tingin niya sa akin ngayon. "Uhmm... I-i'll... S-study na. O-okay?" Medyo nauutal kong sabi.

"You have less than two weeks to study that!" He reminded me.

"Okay! Okay!" Naiinis na ako, bakit ba kailangan ko pa maging involve sa mga bagay na tulad nito na clearly ay wala naman akong alam, and to be honest, kahit sa future wala akong balak pang mag-aral tungkol dito. Wala akong pakialam kahit hindi ipamana sa akin ni daddy ang lahat ng pagmamay-ari niya ngayon, basta lang hindi ako ma-involve sa ganitong bagay. Business related matters is definitely not my passion, and it will never be!

Balik naman tayo dito kay Orion, I have to admit, he's starting to frighten me. Mabait tapos biglang nakakatakot, pero bakit ba ako natatakot sa kanya? Hindi ba dapat ay siya ang natatakot sa'kin? Pero infairness after nung mga sinabi niya sa kin nung isang araw dahil kay David ay nakabawi siya dahil sa surprise na 'to. Teka, surprise nga ba 'to? Tss.

Pero sa wakas may maid na rin, at si manang Rose pa, ang nag-alaga sa aakin hanggang high school ako. Atleast I trust her.



Trapped by ArrangementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon