Chapter 29: Jerk is back

48.6K 714 19
                                    

CHAPTER 29

Tatlong linggo na pero hindi pa rin umuuwi ang kapre. Aba nag-enjoy na yata talaga sa California ang mokong na 'yon! Hindi siya tumatawag sa'kin or nagtetext man lang. Sa tatlong linggo na iyon ay isang beses lang siya tumawag sa'kin. Ok fine, I have to admit. I miss him already. Nakakamiss 'yung wala kang mapagtripan. Ang tahimik ng bahay dahil wala akong makaaway dito.

Patricia will be here in a few minutes. I invited her for a sleepover just like the old times. Feeling ko kasi ay mababaliw na 'ko sa katahimikan ng bahay na 'to, although hindi naman talaga ako nag-iisa dito sa bahay dahil kasama ko si manang.

Narinig ko ang pagtunog ng doorbell kaya mabilis akong pumunta sa gate. Binuksan ko ito, sino pa nga ba ang bumungad kundi ang maingay kong best friend. Dirediretso lang siya sa loob na para bang hindi ako nakita. Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating siya sa living room tapos ay agad na humilata sa couch.

"Grabe, nakakapagod magdrive. Nakakangalay! Sobrang traffic kainis!" Reklamo niya habang nakahiga pa rin sa couch na parang bata.

"So ano na? What are we gonna do for tonight? Sana nag bar na lang tayo kung gusto mo sumaya." She said. Parang lasing kung magsalita ang bruha, nakainom naman kaya 'to? Umupo ako sa harap ng couch tapos ay walang kagana gana akong tumingin sa kanya. Napabangon naman agad siya mula sa pagkakahiga.

"Oh anyare sa'yo? Bakit ganyan itsura mo? Ano problema?" Sunod-sunod niyang tanong. As if namang concerned talaga siya.

"Nothing. Sobrang nakakabored lang dito sa bahay kaya kita pinag-oovernight tapos puro reklamo ka pa."

"Sorry naman girl. So ano nga gagawin natin? Grabe ang tahimik nga dito sa bahay niyo. Pati 'yang aura mo nananahimik, ganyan ba talaga kapag nag-eemo dahil wala si superman baby mo?"

Superman baby? Hindi ko alam kung tatawa ako o sisimangot dahil sa sinabi niya. Saan naman kaya nito napulot ang 'Superman baby'? Medyo kadiri lang 'yung 'baby'. Okay na kung superman lang eh kasi iyon naman talaga ang tawag niya dati kay jerk, pero bakit may 'baby' pa talaga?

I just rolled my eyes. Alam kong nakita niya ang pag-ikot ng mga mata ko dahil narinig ko ang pagtawa niya ng mahina.

"Hoy Janella, aminin mo. What do you really feel toward him? Do you like him already? Oh let me re-phrase that. Do you LOVE him already?" She even put an emphasis on the word Love. Kulit talaga ng babaeng 'to.

"Patricia Seo, how many times do I need to tell you that I don't have feelings for him? Ok I admit, gwapo siya, mabait, matalino. Halos lahat naman yata ng babae magkakagusto sa kanya. Pero wala talaga akong feelings for him. At wala na akong balak magmahal, ever."

"Wag ka magsalita ng tapos, baka mamaya hindi mo lang napapansin. Gusto mo na pala siya--" Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil alam ko namang mang-aasar lang siya

"I know, I know. Ang dami mong sinabi. You already told me that last week, do you still remember?"

"Yes. I still remember. Pinaalala ko lang ulit because I know you. Kilalang kilala kita, Arianna Janella Mendoza." Hindi na ako nakapagsalita pa dahil narinig ko ang pagbukas ng pinto. Napalingon naman ako agad kung nasaan ito. Bigla na lamang akong napatayo sa nakita. My eyes widened upon seeing his figure. Nakatingin lang din siya sa direksyon namin ni Pat. I couldn't believe it. Hindi man lang siya tumawag sa'kin na uuwi na pala siya.

A smile flashed on his face. Gosh, I missed his smile, I missed his handsome face, I missed his aura. Damn that I missed him too bad!

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng panic nang mag sink in sa utak ko na nasa harap ko siya ngayon at nakangiti. Pati si Patricia ay napatayo na rin dahil sa gulat nang makita niya si Orion. Hindi ko rin maintindihan kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ang weird lang! Hindi naman ako kinakabahan pero bakit nagkakaganito ang tibok ng puso ko? He looked at me then shifted his gaze on Patricia. "Hi Pat." He smiled at her. 

Trapped by ArrangementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon