Plagiarism is a crime.
Gagawa ako ng kwento ko gumawa ka ng sayo kung ayaw mo halika kay tulfo.
Expect wrong grammar and typo
Hindi po araw araw ay may update
Vote is a must to show your love(advance thank you sa mga boboto o tahimik na magbabasa sa kwentong ito, i really appreciate that)
"We don't need you to light up our world, just sit with us in the dark"
PROLOGUE.
"Taya ka Uno, ikaw nahuling nahuli eh" sabi ni Mark habang ang hintuturo ay nakaturo sakin
"akala ko ba kung sino mauna siya yung taya?"
Madaya talaga tong si Mark siya kasi yung unang nahuli kanina kaya iniiba niya yung rules ng laro dito sa tagu taguan, hindi kasi marunong maghanap ng pagtataguan kaya laging nahuhuli....tumawa ito ng makita ang nakabusangot kong mukha, nilapitan niya ako at pabirong sinuntok ang aking braso, pero kahit na ganiyan ang ugali niyan kaibigan ko pa din siya sanggol palang kami ay magkaibigan na kami, kaya malapit na malapit kami sa isa't isa.
Hanggang dumating ang isang batang lalaking napaka ganda ng kutis ng balat at halos lahat ng mga babaeng kalaro namin dito sa isla ay may crush sa kaniya, wala naman akong plano pang makipag kaibigan sa kaniya dahil ang nasa isip ko lamang ay isa siyang kaaway dahil inaagaw niya lahat ng mga kalaro ko, pati paborito kong buko juice ay inuubos niya.
Hindi ko siya pinapansin kapag mapapadaan ako sa bahay nila, minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sakin siguro dahil nainggit siya dahil mas malaki matangkad ako sa kaniya at kaya kong laruin lahat ng mga laro katulad ng habul-habulan, tagu-taguan, black 123, patintero kung sa tutuusin ay wala siyang alam kung paano laruin ang mga iyon. Sabagay sabi kasi ng mga chismosa dito sa isla ay mayaman daw ang mag ama halata naman daw sa itsura...anak mayaman.
Ilang araw din ang ginawa kong hindi pagpansin sa kaniya hanggang dumating ang araw na muntik na akong tuklawin ng ahas, kung wala siya doon ay baka patay na ako ngayon....tahimik siyang pumwesto sa likod ng ahas at walang hirap na binato sa ulo ng ahas ang hawak nitong mabigat at malaking bato, doon na ako nagpasalamat at nakipag kaibigan, ang tapang tapang niya eh hindi man lang siya natakot na baka mapunta sa kaniya atensyon ng ahas at siya ang tuklawin.
Nagkasundo kami at halos araw araw kaming magkasama, pati pag ligo ay sabay kami.....
Kaso napapansin ko habang tumatagal iniiwas niya ako sa lahat ng mga taong lumalapit sakin, pati sa mga laro namin ay gusto niyang nasa tabi ko lang siya, may araw din na tinutulak niya ako at binibigyan ng suntok kapag nakikita niya akong may kausap at kaakbayan, hindi ko mainindihan ang ugali niya, nakakalito at nakakabaliw.
Lalo na nung malaman naming tatay niya pala ang may ari ng isla, nung maarating ako sa bahay nila ay kamukhang kamukha niya yung tatay niya kaso nga lang mas nakakatakot ang aura ng tatay niya parang handa nang lumamon ng tao kapag tataw naman ay parang halimaw, pero kapag nakikita naman niya akong nasa likod ng anak niya ay ngumingiti ito sakin at tumatango kaya ngumingiti din ako pabalik.
"why are you so annoying Uno!"
Tumayo si Mallen at kinuha ang robot na nilalaro ko tsaka iyon binato sa malayo.
"ayoko ngang magpakasal sayo ikaw kaya ang nakakainis"
Lagi niyang sinasabi sakin na walang aangkin sakin kundi siya, na sa kaniya ako magpapakasal. Ngunit hindi ako pumapayag dahil sabi sakin ng lolo at lola ko na ang pagpapakasal ay para lang sa babae at lalaki....kapag umaayaw ako sa kagustuhan niya ay magagalit nanaman siya sakin at sasaktan ako, marami naman nang babaeng lumapit sakin at sinabing gusto nila akong asawahin pag malaki na kami umaayaw din ako kaya nakakatanggap ako ng hampas sa braso, sanay na ako.
BINABASA MO ANG
Silent Obsession (COMPLETED)
Randomwe don't need you to light up our world. just sit with us in the dark.