Five years later:
"What?!" Mallen shouted in front of my face
Nabitawan naman ni Santa ang braso ko kaya lumayo ako sa kanila at lumapit kay Tito Aiden
"dada?" tumingin silang dalawa kay Tito Aiden "this is not right you can't just agree to what Uno wants"
Itinago ako ni Tito Aiden sa likuran nito upang hindi madapo sakin masasamang tinging ibinibigay ng dalawa sa harapan, hinilot ko ang brasong namula, parang mababalian ata ako sa paghawak nila sakin
"may pangarap din si Uno, gusto niyang umalis sa isla upang magsimula ng career kaya pinayagan ko, he's not a prinsoner, hindi niyo din siya pag aari, at hindi niya kailangan ng permiso niyong dalawa...paano uunlad si Uno kung hindi niyo siya susuportahan?"
Yes, aalis na ako sa islang ito upang ipagpatuloy ang buhay sa syudad....pinaalam ko na kay Tito Aiden at Tito Maze at pareho silang pumayag sa kagustuhan ko ngayon naman ay sa dalawa ako magpapaalam ngunit nauwi sa ganito, ayaw nila akong paalisin gusto nilang manatili ako dito sa isla kung aalis daw ako ay gusto nilang sumama ngunit sinabi ko na din kagabi kala Tito Aiden na sana mag isa akong aalis dahil kapag kasama ang dalawa walang mangyayari, lalo na at apat at kalahating taon na nila akong ginagalaw at sinasaktan, hindi naman nananakit na nauuwi sa pagkaroon ko ng sugat dahil ingat din naman nila ako kaso nga lang ay kapag ginagalaw na nila ako hindi ko din maiwasang itulak ang dalawa at tumakbo papalayo dahilan ng pagkabangga ko sa mga gilid gilid at pagtama ng kanilang mga siko sa akin
I feel humiliated, wala akong taong mapagbuksan ng gusto kong sabihin dahil takot akong ma judge.
Nahihiya din ako sabihin sa parents ni Mallen dahil ayokong mag iba ang tingin nila sakin, marami na silang magagandang naitulong kung wala sila ay siguro naghihirap nalang ako kaya mas pinili kong itago at magmukmok.
Tinawagan na din ako ni Mark, nasa Manila na sila ni Minnieat may mga trabaho na, matapos kasing grumaduate ay napag desisyunan nilang dalawa na umalis dito sa isla upang mas lalong mag grow, sasabay na sana ako ngunit nung mga panahong iyon asiyadong mahigpit sakin ang dalawa, ngayon nalang ako nagkaroon ng chance.
Napalingon ako kay Tito Maze na napailing iling nalang habang nakatingin sa dalawang nasa harapan, naramdaman niya ang tinging binibigay ko kaya tinignan niya din ako
BINABASA MO ANG
Silent Obsession (COMPLETED)
Randomwe don't need you to light up our world. just sit with us in the dark.