Buti at sinunod nung make up artist na pinadala ni Manager Aya na light make up lang ang gawin sa akin, hindi kasi ako sanay na heavy make up dahil baka kapag pinag pawisan ako ay maging uncomfortable ako, nandito pa kami sa loob ng van at hinihintay nalang namin ang sign na pwede na kaming lumabas, nakikita na din namin mula dito na nagsisipasukan na ang mga dumalo sa fan meeting, may mga banners sila na may pangalan ng banda namin.
Bumuga ako ng hangin at pina relax ang katawan dahil hindi ako matigil sa panginginig, hindi ko ata kayang tumayo dahil baka bumagsak lang ako sa sahig, sabi nila Chian kinakabahan din sila katulad ko pero tignan mo ang dalawa na si Chian at Eljon nagawa pang magharutan at maglaro habang naghihintay si Mateo naman ay nakasuot ng headset at nag he headbang pa, ako lang ata ang kinakabahan at sinasabi lang nila na kinakabahan din sila para mabawasan naman ang kaba ko.
Bumukas na ang pinto ng van at bumungad si Manager Aya pumasok ito sa loob bago sinarado muli ang van
"Pagdating niyo sa loob, as usual kakaway at ngingiti, introduction, talking to the fans at pagkatapos nun special number, then backstage muna, stay one minute sa backstage and balik sa stage at upo na upuan" pag papaalala ni Manager Aya sa amin "remember boys, huwag basta basta iinumin o kakainin ang mga ibibigay dahil we don't know kung safe ba yun or what, also kapag may creepy na fans you can tell to the guards na nasa likod niyo lang"
Nagtaas ng kamay si Eljon
"Anything to say?" Taas kilay na tanong ni Manager Aya
"Special treat mamaya Manager" ngumiti si Chian sa sinabi ni Eljon
"Kung hindi kayo pasaway then yes"
"Yehey!!" Masayang nag apiran ang dalawa
"Ok, boy, lalabas na tayo at dadaan sa likod para hindi magkagulo since dumami na ang mga fans niyo, im so proud." Bumukas na ang pinto ng van at bumaba na kami, may mga guards na nasa paligid namin at sinamahan kaming makapasok sa likod ng venue
Pinisil ko ang kamay ko, ang bilis para sa akin nito....wala pa akong dalawang buwan sa grupong ito may fan meeting kaagad na kasali na ako, kailangan kong gawin ang best ko para naman kahit kaunti may maiambag ako at para na din matuwa sa akin ang mga fans
Sumulip ang tatlo sa telang pumapagitna sa fans at sa amin, nang sumilip din ako ay nanlaki ang aking mata ang dami kasi nila at may mga camera din na nasa paligid
"Uno"
"Manager Aya?" Nalapitan niya ako at hinawakan ang aking kamay
"Kanina pa kita napapansin na tahimik, huwag kang kabahan, enjoy and have fun. Mawawala din yang kaba mo kapag nasa stage ka na...." she said
Tumango ako
"Drink water first three minutes aakyat na kayo"
"Salamat Manager Aya"
Pumikit ako at tinignan na ang isa sa mga kasamahan namin, pinakita nito ang tatlong daliri maya maya ay isa isa na niya itong binaba at ng maibaba na niya ang panghuling daliri ay napahigpit ang kapit ko sa Mic kadabay nun ang pag labas namin at pag akyat sa stage, dumagundong ang buong paligid at nagsitilian ang mga kababaihan na may mga hawak na banners at mga poster na may mukha namin.
"Ang gwapo niyo talaga!!"
"CHIAN MAH LABS!"
"ang hot ni papa Mateo"
"Eljon!!!"
"Yung bago oh, yung bagong member"
"Ang gwapo din"Namula ang mukha ko at sumiksik kay Chian na nakangiti at kumakaway sa mga fans
Si Eljon ang unang nagpakilala
"Hello everyone, im Eljon Lumaino angead guitarists ng Orion Slaves at ang magpapatibok ng puso niyo ngayong umaga" he wink at the crowd and crowd gone wild
BINABASA MO ANG
Silent Obsession (COMPLETED)
Randomwe don't need you to light up our world. just sit with us in the dark.