Two months passed, ang bilis ng panahon....hindi ko namalayan na dalawang buwan nanaman ang lumipas.
ang laki na ng tiyan ko. Madali na akong mapagod, unting galaw lang ay naghahanap na agad ako ng pag uupuan o paghihigaan. Tumataba na din ako dahil sa dami ng kinakain ko, sino ba naman ang hindi mapapakain ng madami kung triplets ang pinagbubuntis mo? Ngayong buwan ko lang nalaman na triplets ang nasa loob ng tiyan ko, hindi pa nga sana ako pupunta sa hospital ni Krist kung hindi lang talaga sumakit tiyan ko, Krist nga pala ang pangalan ni Doctor Morado.
Three baby boys ang nasa loob ng tiyan ko, noon ay wala akong maisip na pangalan pero ngayon na nalaman ko nang lalaki sila ay halos punuin na ng pangalan ang utak ko.
Ngayon ay nakaupo ako sa sofa dito sa sala habang kumakain ng mansanas na binili nila Sarah sa bayan.
Tinatawagan nalang ako ni Tito Aiden at pinakikita ko ang tummy ko sa kaniya through viber, nakikita ko ang tuwa nito at the same time ay lungkot.....si Tito Aiden ang una kong sinabihan na triplets at umiyak nga ito dahil sa tuwa. Hindi pa alam ni Tito Maze at walang balak ipaalam ni Tito Aiden ang balitang ito at kung saan man lupalop ako ng mundo.
Knowing Tito Maze, 70% na sasabihin niya sa dalawa kung nasaan ako at yun ang ayaw mangyari ni Tito aiden.
Tinutulungan ako ni Nanay Selda kumilos kilos at pinagluluto niya ako ng mga cravings ko, kaya kapag nararamdaman kong nagsisimula nang pumangit ang mood ko ay pinipili kong mag stay sa kwarto dahil ayoko talagang napagbubuntungan sila ng inis ko.
Minsan ay naiyak ako kahit sa mga simpleng bagay, katulad ng pagsarado ng pinto ay umiiyak ako.....
"Buntis!" Pumasok si Troy at sakin dumiretso
Pinanlakihan ko siya ng mata dahil hahaplusin nanaman niya ang tiyan ko, walang tigil na haplos ang ginawa niya kahapon! Excited na daw siyang makakita ng mga sanggol, sabi ko kasing gumawa na silang dalawa pero ayaw talaga.
"May iiyak nanaman sa madaling araw" natawa ako sa sinabi niya "maliligo na ako, kapag may kailangan ka sabihin mo lang"
"Salamat"
Kinuha ko ang phone ko at bumuntong hininga.
Orion Slaves
{Ang gagaling talaga nila, hindi ko talaga kinakaya kapag nagsisimula na silang maging wild sa stage!!}
{Chian is the standard!}
{Orion slaves spotted at the beach}
{Mateo rumored girlfriend}
{Eljon's tattooed his back! What's the tattoo meaning?!}
I keep scrolling and scrolling while smiling at the same time tears rolling down my cheeks. Matunog na ang pangalan nila, naabot na nila ang pangarap nila....tuloy tuloy pa din silang natugtog at ginagawa ang kanilang mga gusto. Im proud of them. Masaya ako dahil alam kong masaya sila, masaya ako sa tuwing nakikita ko yung mga mukha nila sa mga variety shows at mga balita.
"You're crying" Krist sat in front of me, he's sipping his milktea "4 months nalang ay hawak mo na ang triplets, may pangalan ka na bang naisip?"
BINABASA MO ANG
Silent Obsession (COMPLETED)
Randomwe don't need you to light up our world. just sit with us in the dark.