nasa harapan nila akong apat, lahat sila ay seryosong nakatingin sakin habang ako ay nanginginig ang kamay na nakahawak sa mikropono, bakit nga ba ako nandito? bakit ako pinakakanta ni Ms. Herera? napalunok ako at yumuko
"chin up, choose a song you want to sing" Ms. Herera said
pumalakpak si Chian at nag thumbs up pa kaya tinapik siya sa ulo ni Mateo, tumango nalang ako at nag isip nang kanta, nang may maalala agad akong pumikit at nagsimulang kumanta
When we're out in a crowd
Laughing loud and nobody knows why
When we're lost at a club, getting drunk
And you give me that smile
Going home in the back of a car
And you hand touches mine
When we're done making love
And you look up and give me those eyes
nagulat ako nang magsipuntahan ang tatlo sa kani kanilang mga instrumento, tumingin ako kay Ms. Herera na may pagtataka sa mukha ngunit sabi nito ay ipagpatuloy ko ang pagkanta kaya tumango ako at muling ipinikit ang mata
Cause all of the smile things that you do
Are what remind me why I fell for you
And when we're apart, and I'm missing you
I close my eyes and all I see us you
And the small things you do
dahan dahan akong napapatapik tapik nang sapatos sa sahig dahil sa tugtog na ginagawa ng tatlo sa aking likod, sinasabayan nila ako at habang tumatagal ay nawawala ang kaba at hiya ko nagagawa ko nang ngumiti at humarap sa kanilang tatlo, nakangiti na din sila sa akin, lumapit sa akin si Eljon habang nag gigitara at idinikit pa ang balikat sa likod ko sabay bulong sa akin nang
"you did great" na dahilan nang mas lalo ko pang pagkasaya
nang matapos kumanta ay hingal na binalik sa microphone stand ang hawak, pumalakpak si Ms. Herera at nilapitan ako, ginulo ang aking buhok na kinayuko ko, niyakap naman ako ng dalawa at dahil hindi sumali sa yakapan si Mateo ay hinila siya ni Chian dahilan nang pagkakaipit ko sa bisig nang tatlo, napatulala ako sa sahig, ang saya saya ko kanina at alam kong ito ang pinaka masayang araw na nangyari sa akin, hindi ko alam na marunong akong kumanta hindi ko alam na may talent pala ako sa pagkanta at kanina habang kumakanta ako at sinasabayan ang tatlo parang may mga paro parong nagsisiliparan sa loob ng tiyan ko
ikukwento ko to kay Akel pag uwi ko
natigil kami sa yakapan at kasiyahan nang pekeng umubo si Ms. Herera, napaayos kaming apat nang tayo at hinarap ito, nakangiti na ito
"bakit niyo pala siya pinakanta, Manager?" Chian
sa pagtataka ay napakunot ang noo ko, nawala sa isip ko na nagtungo pala ako dito upang kausapin si Ms. Herera tungkol sa kagustuhan kong itrain niya ako ngunit mukhang wala siyang planong kunin ako
"since Rising rookie pa naman kayo at hindi pa kayo lumalabas sa screen maliban sa pag post niyo nang mga cover sa youtube," nagkatinginan kaming apat, akala ko ay sikat na sila dahil sa way nang kanilang pagtugtog kanina ay sobrang galing "you three need a lead singer"
nanlaki ang mata ni Chian at Eljon
"ibig sabihin si Uno na ang lead singer namin?" Chian shouted
BINABASA MO ANG
Silent Obsession (COMPLETED)
De Todowe don't need you to light up our world. just sit with us in the dark.