Chapter 36

4.1K 205 22
                                    

"Pakilayo si Cherry sakin, Oscar" utos ko







Pumunta ako sa garden para makasagap ng sariwang hangin at para na din hindi puro gamit sa bahay ang nakikita ko. Mas lalong nag iinit ang ulo ko kapag nakakulong parang feeling ko eh mawawalan na ng hangin sa paligid.






Narinig ko ang pag iingay ni Cherry kaya nilingon ko kung saan ito nilagay ni Oscar, nasa cage na siya at tila gusto akong lapitan.






Ayoko munang makipaglaro kay Cherry, sensitive ang ilong ko at naiinis ako kapag nakikita ang mga balahibo nitong naiiwan sa damit ko....baka mapagbuhatan ko lang ng kamay si Cherry ayaw ko naman nun dahil mapapalayo ang loob niya sa akin.





Hindi pa alam ni Oscar na buntis ko at wala akong planong ipaalam, dahil kahit na ipangako niya sa akin na hindi niya sasabihin sa kahit na sino ay madudulas pa din siya. Wala akong dapat pagkatiwalaan tungkol sa pagbubuntis ko, hanggang kaya ko ay itatago ko at hanggang maaga pa ay kailangan ko nang lumayo sa lugar na ito.





Ayokong malaman nila Santa at Mallen ang tungkol dito, hindi dahil takot akong malaman nila na buntis ako na sa kanilang dalawa ang batang dinadala ko kundi dahil ayokong lumaki ang anak ko na maging katulad nila, na dadating ang panahon na may magagaya din sakin, gusto kong palakihin ang anak ko sa payapang lugar malayo sa mga masasamang impluwensiya.





Gusto kong mamuhay itong normal na bata.






"Sige Oscar sunduin ko muna si Oting sa harapan" lumaki ang aking tenga ng malaman na dadating na si Oting





"S.....Sasama ako" nilapitan ko ang dalawa






"Hindi pwede" pagtanggi ni Oscar "pagagalitan ako nila Boss kapag nalaman na inilabas ka, hintayin nalang natin si Oting dito"





"Gusto kong sumama" may diin na sabi ko "huwag mong sabihin kung ayaw mong mapagalitan"






Kinagat ko ang ibabang labi at nag iwas ng tingin, sinusungitan ko na si Oscar. Kasalanan naman niya dahil gusto ko lang naman sumama sa pagsundo ngunit ayaw niya! Bumuga ako ng hangin at wala na din nagawa kundi maghintay





"Uuwi sila Boss mamayang gabi" nakita ko ang pagsilip nito sa mukha binabasa kung anong reaksyon ang gagawin ko





Mas magandang huwag na silang umuwi, doon na sila sa babae nila.....





Matutuwa pa ako.





Sa pagdating ni Oting ay sinabi ko kaagad sa kaniya lahat ng gusto kong kainin, masaya naman nitong niluto ang mga iyon.....mukhang marami pa siyang energy dahil nasayaw at nakanta habang nagluluto. Napapikit ako at napangiti sabay palakpak, ang bango bango naman ng sinigang~~~





"Damihan mo ng repolyo, Oting" ani ko






"Masusunod Ser"





-




Natigil ang panonood namin ni Oting sa tv dito sa sala ng pumasok na si Mallen at Santa, sabay silang lumapit sakin at binati ako sabay halik sa batok, leeg, noo at labi ko.





Hindi ko sila nilingon, nakatutok lang ang mata ko sa screen ng tv. Amoy babae sila, hindi naman matamis ang amoy ng dalawa.....anong ginawa nila kay Caffey? Hindi ako maaawa kay Caffey dahil si Caffey pa mismo ang nagpapapunta sa dalawa sa lugar niya.






Wala akong karapatan magalit kay Caffey dahil hindi naman nito alam ang tungkol sa aming tatlo nila Mallen.






"Mga ser kumain na kayo nasa lamesa na ang mga pagkain, tapos na kami ni Ser Uno ehh..." kakamot kamot sa ulo na sabi ni Oting sa dalawa, may kuto ba siya?






"Kumain na kami sa labas" sabi ni Mallen "halika na Uno, let's go to our room"




Dahil ayokong mainis sila sakin ay sumunod na lamang ako dahil nag aalala akong baka may gawin sila sakin na pwedeng ikapahamak ng bata sa sinapupunan ko





Humikab ako ng humiga ako sa kama






"How's your day?" Asked Mallen, he's unbottoning his polo while Santa is taking off his shoes






"Good" i answered






"May ginawa ka bang hindi namin magugustuhan?" Tanong naman ni Santa at tinignan ako





Umiling ako at muling humikab, wala nang nagtanong sakin....pinapanood ko lang silang magbihis sa harapan ko.





Paano nila nagagawang umakto sa harapan ko ng normal kahit na alam nila sa sarili nilang nag ch-cheat sila sakin? Na niloloko nila ako? Na may babae sila? Pinakakain lang nila akong dalawa nang matatamis na salita....kailan pa to? Kailan pa nila ako niloloko?





Uminit ang mga mata ko at para hindi ko maituloy ang pagtulo ng luha ay tumingala ako at madiin na kinagat ang dila, hindi ko gustong umiyak pero dahil buntis ako ay alam kong mas magiging emotional pa ako sa mga susunod na araw.





"Saan kayo pumunta?" Tanong ko nang maayos na ang sarili, sinandal ko ang likod sa headboard ng kama





Nagtinginan ang dalawa, nag uusap sila gamit ang mga mata. Para bang pinagtatalunan nila kung sino ang sasagot sa tanong ko at kung anong kasinungalingan ang ipapakain nila sa akin ngayong gabi.





"May meeting lang kami tungkol sa ibubukas naming art exhibit" kalmadong sagot ni Santa at binunot ang phone niya ng tumunog iyon





Sumilip si Mallen at parang naging hangin nalang ako sa kanila.....





Kung tumakas ako hindi na ba nila ako hahanapin? Hahayaan nalang ba nila akong umalis?





"Aalis ba ulit kayo bukas?" Muli kong tanong, ang mga mata ay nakatitig na sa kisame






"Yeah...." Mallen said at tumango pa "may gusto ka bang ipabili? Just tell us..."





Tumayo si Mallen at nilapitan ako, kinuha nito ang isa kong kamay na nakapatong sa ibabaw ng kumot at hinalikan iyon.





"Sorry dahil lagi kaming wala dito sa bahay, babawi nalang kami sa susunod" ngumiti si Mallen at yayakapin na sana ako ng mahuli kong may hickey ito sa leeg, hindi gaanong nakikita sa malayuan pero dahil sobrang lapit niya ay sobrang halata





"Ano yan?" Tinuro ko ang leeg niya, kahit alam ko na kung ano ay tinanong ko pa din. Gusto ko lang na marinig ang pagsisinungaling niya sakin





"Kinamot ko kanina, hayaan mo nalang yan" tumabi ito sakin






Nang mapansin ni Santa na yakap yakap na ako ni Mallen at binaba niya ang phone at niyakap na din ako.





Nakatulog na ang dalawa at hindi na nila ako yakap yakap pa, dahan dahan akong umalis sa kama at kinuha ang phone ni Santa, binuksan ko kaagad ang messenger niya at tama ang hinala ko, si Caffey ang kachat niya kanina.





Santa: Let's continue tomorrow






Yun lang ang binasa ko dahil hindi ko na kinaya pang makita lahat ng pag uusap nila, pumunta ako ng banyo at pinadulas ang sarili pababa sa sahig....niyakap ko ang dalawang tuhod at binaon doon ang aking mukha. Im going to prepare tomorrow. Im going to leave here.....






"H....Hi" mahina kong sabi at nilapat ang isang palad sa tiyan






I need tito Aiden......







(We need Aiden rn!!!!!!!!!)

Silent Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon