Chapter 48

4.6K 218 34
                                    

Mallen, Santa and the triplets ang nasa itaas, photo not mine.





-

"Snow, ang tahimik mo" ani ni Tito Gecko na nasatabi nito at nilalaro ang isa sa mga triplets












Kakadating lang nilang kaninang umaga at hindi man lang kami pinansin ni Snow, she's busy facing her phone, siguro pagod lang siya sa biyahe....next week na ang binyag ng triplets gusto sana ng mag aama na sila Mallen, Santa at Tito Maze na bukas na ganapin pero hindi pumayag si Tito Aiden dapat daw ay bongga at talagang planadong planado para maganda ang kalalabasan.










Tumayo ako para magtungo sa kusina, nakita ko si Oting na tumutulong kay Tito Aiden na mag bake ng cookies....binuksan ko ang ref at kumuha ng malamig na tubig, nandito na din lahat ng mga kasamahan ni Oscar, may mga bahay na pinatayo sila Mallen para sa kanila, natuwa akong nang malaman yun dahil kahit na hindi vocal sila Mallen at Santa sa kanilang nararamdaman sa ibang mga tao alam kong tinuring na nilang pamilya sila Oscar.










Nung isang gabi nga matapos ang pagdadala ng gamit dito sa bahay ay nagkaroon sila ng kasiyahan, lasing na sila Mallen at Santa at paulit ulit nilang sinabi sa mga tauhan nila na kapag may pangangailangan ang isa sa kanila handa silang tumulong basta gawin nila ang mga trabaho nila ng tama.










Bumalik ako sa sala at wala na doon si Snow, lumabas ako ng bahay at hinanap ito at nakita ko siyang patungo sa dagat.










Mas gumanda siya at kumurba lalo ang katawan, natangkaran na din niya ako at mas naging matured ang itsura. She's wearing a backless red silk dress partner with a white flat sandals, mahaba ang medyo wavy niyang buhok na gumugulo na habang papalapit siya sa dalampasigan kaya tinipon niya iyon at hinawakan gamit ang isang kamay upang hindi humarang sa kaniyang mukha, nang makalapit na ako sa kaniya ay gulat itong napalayo, I chuckled and tries to reach her head to give her a pat but I can't she's too tall.










"Sigurado akong marami ng nanliligaw sayo, napakaganda mo na Snow" ani ko










Hindi ito nagsalita











"May boyfriend kana ba?" I asked










"I......" hindi nito tinuloy ang sasabihin kaya natawa ako at napailing










"Nahihiya ka ba? sabagay matagal na din simula ng mag usap tayong dalawa---"










"I'm not shy, i'm mad" diretsahan niyang sabi sakin










"Mad? bakit?"











"Because.....because you broke my heart, you tear it into pieces Uno" napahawak ito sa dibdib "nag promise ako sa sarili ko na kapag lumaki na ako at nakapagtapos ng pag aaral ay pupuntahan kita, I love you Uno....you know that. I want to marry you!" naluluhang napaupo ito sa buhanginan at niyakap ang dalawang tuhod









Pinantayan ko siya ng laki at hinaplos ang kaniyang likuran, akala ko limot na niya ang nakaraan.....hindi pa pala nagbabago ang nararamdaman niya sakin. Maya maya ay humagulgol ito pinapatahan ko siya pero mas lumalakas ang pag iyak niya kaya hinayaan ko siyang ilabas lahat ng mga luha niya hanggang huminahon na siya at punasan ang basang pisngi gamit ang likod ng palad.










Silent Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon