Chapter 35

4.3K 205 36
                                    

"Good Morneng Ser Uno!"




"Good morning" humikab na umupo ako sa harapan ng lamesa




Inabot ko ang slice bread at kinagatan





"Wala po sila Ser Mallen at Ser Santa dito, umalis po sila" ngumiti ito ng malapad




Matapos kong kumain ay naligo ako, hindi tahimik ang bahay dahil maingay si Oting, natutuwa naman ako at hinahayaan siya kaysa naman mabingi ako sa katahimikan. Kaso sa tuwing napapatagal ang tingin ko sa kaniya at kapag kinakausap ko siya bigla nalang napasok sa utak ko ang mukha ni Terry.





Hindi ko na uulitin iyon, hindi ko na muli babahidan ang mga kamay ko ng dugo ng kapwa ko tao. Hihintayin ko na lamang ang diyos na parusahan ako, tatanggapin ko ang parusang ibibigay sakin.





Tinawag ako ni Oting kaya nilingon ko siya, pinakita nito sakin ang painting na gawa ni Mallen at Santa at pinuno niya iyon ng compliments, tumango ako at kinuwento nalang sa kaniya ang kahiligan ng dalawa sa pagpinta, habang nakikinig ay nagwawalis siya dito sa sala.




Kaming dalawa ang nagluto ng tanghalian, adobo at buttered shrimp ang niluto namin. Matapos ang paglagay ng mga plato sa lamesa ay ang pagdating ni Mallen at Santa....nagpunas ako ng pawis dahil alam ko nang sakin sila didiretso at tama ako, nang magtama ang mata naming tatlo ay mabilis pa sa alas kwatro na kinulong nila ako sa kanilang bisig.




Matipid na ngumiti ako ng makita si Oting na kinikilig at pumalakpak pa.




"I miss you" bulong ni Mallen at hinalikan ang itaas ng aking tenga




"You look tired, baby" segunda ni Santa at pinisil ang pang upo ko




Pumikit sila at inamoy ang ulam na nasa hapag




"Si Ser Uno po ang nagluto ng lahat, tumulong lang ako sa pagbabalat ng patatas at karots" Oting said




"Let's eat, gutom na din kami" nakahawak sa tiyan na sabi ni Santa at nauna ng umupo




Bumuntong hininga ako.




Nagsimula na kaming kumain.....




Isang buwan ang lumipas, napapansin ko ang pag alis alis ng dalawa....minsan pa nga ay uuwi sila para lang kumain at kamustahin ako at pagkatapos ay aalis ulit. Hindi ko naman magawang magtanong dahil ayoko talagang kausap ang dalawa at dahil hindi naman ako nagtatanong ay halatang wala silang balak sabihin kung ano ang pinagkakaabalahan nila.




Bihira nalang din ang paggamit nila sa kanilang art room.





Tatlong araw na din na wala si Oting dito sa bahay, nagpaalam siya na uuwi muna sa kanila dahil may sakit ang kaniyang kapatid kaya kami nalang ni Oscar at iba pang mga guards ang nandito.




Dumating ang araw na naiwan ng isa sa kanila ang cellphone kaya nagmamadali kong nilapitan iyon and to my surprised walang password! Hindi na ako kinakabahan na baka may makahuli sakin dahil naka lock naman ang pinto at pinaalam ko kay Oscar na maliligo ako kaya ilolock ko muna saglit at wala dito ang dalawa.




Malaya kong dinial ang number ni-----i tilted my head dahil sa biglang pag pop ng isang message.




Dahil sa pagka curious ay pinindot ko kung sino ang nag message.





09******- Nasaan na kayo? Kanina pa ako naghihintay dito....





Kumunot ang noo ko at umupo sa gilid ng kama, pumunta ako sa messenger at may nakita akong isang unread message na nanggagaling sa isang babae.





Silent Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon