Chapter 33

4.6K 213 30
                                    

Tahimik ang hapag, tangin ang pagtama lang ng kutsara at tinidor sa plato ang gumagawa ng ingay, binuksan ko ang bibig at sinubo ang carrots, natatakot ako, nanghihina ako, hindi ito ang gusto ko, ayoko ng ganito, hindi ko sinasadya ang pagpatay kay Terry, natakot lang ako, para akong kinokontrol ng sarili kong katawan hindi ako ito....


Nanginginig man ang kamay ay inabot ko pa din ang baso na nasa gilid at nilagok ang malamig na tubig, ramdam ko ang pasulyap sulyap ng dalawa tila nagtataka sa kinikilos ko, isang linggo ang nakakalipas nang mangyari iyon ngunit parang kahapon lang nangyari, sila Mallen ay tuluyan nang kinalimutan ang nangyari pero ako nakabaon na sa isip at puso ko, binabangungot ako kaya hindi ako makatulog ng maayos kapag tinitignan ko naman ang sarili sa harapan ng salamin ang nakikita ko ay dugo at walang buhay na si Terry.


Tumayo ako at dahil sa panghihina ng aking tuhod ay napadiretso ako ng upo sa sahig, napatayo ang dalawa at inalalayan akong makatayo ngunit sa pag angat ko ng mukha upang tignan sila ang nanlilisik na mga mata ni Terry ang nasilayan ko, duguan ang mukha nito at may hawak na kutsilyo dahil sa takot tinulak ko ito at gumapang ako papalayo, nakakatakot na tawa ni Terry ang umalingawngaw sa buong paligid, I started to scream and push things away, may humawak sa paa ko at hinila ako, tumama ang aking mukha sa matigas na bagay.


"Anong nangyayari sayo?!" nagpapanic na tanong ni Santa


Umiyak ako ng umiyak, hinayaan kong kargahin nila ako papunta sa sala


"Ilang araw ka ng wala sa sarili" Santa


"He's traumatized" hinaplos ni Mallen ang likod ko at pinatatahan ako


Sabihin mo ang totoo, pinatay mo ako!


Huwag Terry, patawad.....


Paulit ulit ko iyong narinig kaya lumayo ako sa dalawa at pinakita ang aking mga kamay


"I killed Terry!" I shouted "ako ang nakapatay sa kaniya, ako ang may kasalanan....." napaluhod ako at binaon ang mukha sa palad "gusto kong tumakas dito nahuli niya akong may kausap sa telepono at gusto niyang isumbong ako sa inyong dalawa, natakot ako.....natakot ako kaya kusa nalang gumalaw yung katawan ko at nagawa ko iyon"


Hindi makatarungan ang ginawa ko kay Terry kailangan kong pagbayaran to


"We know" they both said


"A....ano?"


"Alam namin na may kausap ka sa keypad ni Terry at sa ginawa mo kay Terry, nakakalimutan mo ba ang sinabi namin sayo na marami kaming mata sa paligid?" seryosong sabi ni Mallen "you killed her, Uno"


"Malaking kasalanan ang ginawa mo" Santa


Nagsimula akong lumapit sa kanila habang nakaluhod, hinawakan ko ang kanilang mga braso


"P..pagbabayaran ko ang ginawa ko kay Terry, hindi ako tatakas, hahayaan ko kayong dalhin ako sa pulisya"

Silent Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon