Pagod kong inihiga ang katawan sa kama bago tinignan ang wall clock, hating gabi at kakauwi ko lang din galing sa practice buti nalang at hinintay ako ni Toper dahil kakagaling lang din niya sa handaan nang kaibigan niya, ang tahimik dahil wala si Akel at hindi na din ako magluluto pa dahil kumain na ako kasama ang mga ka banda ko, ipipikit ko na sana ang mga mata nang mag vibrate ang phone ko kinuha ko iyon at tinignan kung sino ang tumatawag si Chian, ano naman ang kailangan niya? nakahigang sinagot ko ang tawag tsaka ngumuso, inaantok na talaga ako
"add kita sa facebook tsaka instagram, ano name mo? para na din makapag vc tayo kahit papaano, don't forget the messenger too" mabilis niyang sabi na tila ba nag ra-rap
"lahat nang nabanggit mo ay wala ako" mahina kong sabi
tumahimik ito at maya maya ay tinawag ang dalawang kasama
"wala daw siyang kahit ni isang account sa mga nabanggit ko" sigaw niya sa dalawa kaya nailayo ko na din ang phone sa tenga ko
"ano kamo? baka jinojoke time kalang niyang si Uno" Eljon na mukhang inagaw kay Chian ang cellphone "Uno, my friend...ako nalang add mo ko, alam ko naman na hindi talaga pagkakatiwalaan yang si Chian-"
"stop shouting" namomoblemang sabi ni Mateo
"wag kayong maingay hindi ko marinig si Uno" Eljon
I bet nagkakagulo na sila sa kabila, ang ingay nila parang hindi sila napagod sa walang tigil naming practice kanina siguro ay sanay na din sila....ilang oras nalang ay kailangan ko nanamang pumunta nang Cordelia, this is tiring for me sabagay bago palang ako at naninibago, may bumagsak sa kabilang linya at sinabi ni Mateo na kakatapos lang agawin ang phone kay Eljon na nahulog daw si Chian sa sofa dahil ginawa niya itong dancefloor
nawala ang ingay, lumayo na ata si Mateo sa dalawang nakalunok nang microphone
"hey, bukas gagawan kita nang account mo" he said
"thank you Mateo"
"always welcome, btw....bring an extra clothes" pag papaalala niya sakin
"I will"
pinatay ko na ang tawag tsaka humikab na binaon ang mukha sa unan, I groaned at kinamot ang likod nang buhok.
"magandang umaga po Uncle Noe" bati ko kay Manong guard, kanina ko lang din nalaman ang pangalan niya sinabi sa akin ni Toper nang marinig niyang ang tawag ko sa papa niya ay Manong guard
"magandang umaga din Uno, ang aga natin ngayon ah" sumisimsim pa ito sa kaniyang kape at nang may dumaan na nagtitinda nang pandesal ay pinahinto niya iyon "bente nga"
"ang dami Mang Noe" natatawang sabi nang nagbebenta nang pandesal
"bibigyan ko tong si Uno para naman may makain habang nasa daan, pati na din yung anak ko"
kinagat ko ang ibabang labi sa narinig at pinagsalikop sa likod ang aking dalawang palad, natunaw ang puso ko sa narinig para bang gusto kong umiyak sa balikat ni Uncle Noe , napaka swerte naman ni Toper dahil may mabait siyang ama at iniisip ang kaniyang kalagayan, nagpasalamat ako nang bigyan niya ako nang limang pandesal na nasa plastic na pati na din si Toper na kakadating lang, nagkatinginan kami ni Toper kinindatan niya ako bago isinubo nang buo ang isang pandesal na kinalaglag nang panga ko, sa liit nang bibig niya ay kaya niyang isubo nang isahan ang pandesal? ako ang nabulunan sa nakita.
pumasok na ako sa loob nang tricycle ni Toper habang siya ay inagawan ang ama nang kape, natawa nalang si Uncle Noe at itinulak na si Toper papunta dito
"ingat sa daan" Uncle Noe
"opo" sabay pa naming sagot ni Toper
"gaya gaya" rinig kong sabi ni Toper bago paandarin ang Tricycle
"narinig ko iyon" sinilip ko siya
"kasi may tenga ka" pang aasar niya
"umagang umaga Toper ah" natatawa akong umayos nang pagkakaupo
"wala diyan yung babaerong chef?" tanong nito habang nag da drive
babaerong chef? tinutukoy ba niya si Akel?
"si Akel ba?" paninigurado ko
"oo"
"ahh umattend ng party ng kaibigan, ilang araw daw na mawawala, bakit mo naitanong?" muli ko siyang sinilip
"may utang yun sa akin eh"
"may utang siya sayo? sigurado ka?"
tumango ito "nasiraan kasi eh wala nang tao nun tapos gabi na yung streetlight nalang nagbibigay ilaw sa daan buti at napadaan ako sa kaniya kaya tinulungan ko na din, hindi marunong kumalikot ng kotse paniguradong kapag hindi ako umalis nung gabing iyon kawawa siya"
paanong magkakaroon ng alam yun sa kotse eh puro cooking show at pagluluto gusto nun, nang makababa sa tricycle ni Akel ay nakita ko sila Mateo na kakababa din sa itim na van tumakbong lumapit sa akin ang dalawa at kinarga pa ako ni Eljon sabay ikot
si Chian naman ay inagaw ang hawak kong plastic na may laman pang apat na pandesal.
"Uno, baka hindi kita masundo mamaya, may gagawin pa ako eh" sabi ni Toper
"kami na ang bahala sa kaniya" ani ni Mateo na nasa likod ko na pala
"ingatan niyo yang manok ko ah" Toper
"tinawag ka niyang manok" busangot na sabi ni Chian sa akin at sinubo ang kinagatan nang pandesal kay Mateo
"pang asar niya lang yun" sabi ko
sabay kaming apat na pumasok sa loob ng Cordelia building, may mga model akong nakitang nasa gilid at kausap ang iba pang mga co models, meron ding sikat na singer na nakaupo sa couh at nagbabasa nang magazine habang may kumakausap sa kaniya
hindi muna kami pumunta sa practice room dahil kailangan pa naming dumiretso sa opisina ni Manager Aya, may sasabihin daw ito sa amin
"good morning boys" she said "sit down"
ako ang naunang naupo habang si Mateo ay sumandal lang sa tabi nang pintuan, si Chian ay nagtungo sa swivel chair na nasa gilid at nagsimulang ipa ikot ikot ang sarili si Mateo ay inipuan ang arm rest nang wooden chair na ngayon ko lang napansin, medyo malawak ang opisina ni Manager Aya
"pinatawag ko kayo dito para ipaalam na may fan meeting kayo sa susunod na linggo---" naghiyawan ang dalawa, napangiti ako ganun din si Mateo "nag hit ang isang cover niyo na umabot nang eleven million, im proud and happy at the same time, mag po-post nanaman kayo nang cover later at kasama na si Uno"
nagtaas nang kamay si Chian at tinuro ako
"ako?" nagtataka kong tinuro ang sarili
"kasama ba si Uno sa fan meeting?" Chian asked
napatingin ako kay Manager Aya
"of course, kailangang kumpleto kayo"
"pero hindi pa po ako kilala at bago palang po ako" I heard Mateo tsked
"kaya nga ipapakilala ka eh" Mateo said
"huwag kang mag alala Uno, sa ganda nang boses mo ay baka dumami fans mo" Eljon
Third person Pov:
"make sure na bantayan mo siya habang wala pa kami ni Mallen diyan" seryosong sabi ni Santa sa kabilang linya
nakaupo si Mallen sa swivel chair habang may hawak hawak na basong may lamang alak, taimtim na nakikinig sa pag uusap ng nasa harapan
"he's being a hard headed kid" Mallen said nang maibaba na ni Santa telepono "gumagawa siya nang mga bagay na kinagagalit natin, he knows how to make us jealous, he fucking even let them touch and hug him"
lumapit si Santa kay Mallen at niyakap ito, maya maya ay naghalikan ang dalawa
matapos ay kinagat ni Santa ang tenga nito sabay bulong "we're going to surprise our little baby, so hush now Mallen"
BINABASA MO ANG
Silent Obsession (COMPLETED)
Randomwe don't need you to light up our world. just sit with us in the dark.