Kaninang tanghali ay umuulan ngayon ay ambon nalang kaya nakasuot ako ng hoodie, shorts at puting medyas, nakaupo ako ngayon sa harapan ng bukas na pintuan at yakap yakap ang dalawang tuhod habang pinapanood ang pagpatak ng tubig ulan sa lupa ala singko y media na at naaamoy ko na mula dito ang niluluto ni Terry na sinigang. Isinuot ko ang hood ng hoodie at sinulyapan ang dalawang guards na nasa magkabilaang poste malapit lang sa pwesto ko.
Akala ba nila ay hindi ko napapansin na minu minuto ang pagsulyap nila sakin? Huwag kayong mag alala hindi ako tatakbo sa laki ba naman ng mga baril niyo sino ang may lakas loob na tumakas? Bawal yan ah! Para kayong makikipaglaban sa mga terorista, tinalo niyo pa ang mga baril ng pulis at sundalo. May bala ba yan? Kung meron pwede nilang ipatama sa gusto nilang patamaan.
Paano kung may galit sila kay Mallen at Santa? Edi tigok yung dalawa kasi nabaril sila ng kanilang mga guards?
Nahuli ko ang tingin nung isa sa kanila nagulat ito at iniiwas ang tingin sakin, i chuckled lowly.
"Hinihintay mo ba sila Boss?" Parang kabute na sumulpot si Bruno sa tabi ko
Nag angat ako ng tingin.
"Bakit ko naman sila hihintayin?" Ngiwi kong sabi "dahil ba nandito ako sa harap ng pintuan? Psh" tumayo ako at pinasadahan siya ng tingin "may anak ka ba?"
Napataas ito ng kilay
He slowly nodded.
"Nasaan siya?" Tanong ko
Hindi niya ako sinagot, hindi na din ako nagtangka pang magtanong because im reading the room, nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mata niya.
Sabay kaming napatingin sa labas, tumigil ang sasakyan ng dalawa sa harapan at nagsitakbuhan papalapit ang dalawang guards na nakatayo sa tabi ng poste upang payungan si Mallen at Santa, nang maitapak na ng dalawa ang kanilang makikinis na itim na sapatos dito sa loob ay gulat ang mukha nila, they both stare at me for a second.
"Hinintay mo kami?" Santa said
Iiling na sana ako pero nagsalita si Bruno
"Hinihintay ni Sir Uno ang pagdating niyong dalawa" deep voice Bruno said
Mabilis ko siyang nilingon, what is he talking about? Sinabi ko naman na hindi ko hinihintay ang dalawa!
Nang maibalik ko ang tingin sa harap ay tumambad ang namumulang mukha ni Santa at Mallen, para silang nanalo sa lotto at dahil sa tuwa ay hindi magawang ibuka ang bibig. Dahil kumidlat nanaman tumalikod na ako at naglakad papalayo sa kanila, umupo ako sa sofa at pinaglaruan ang tali na nasa collar ng hood ko.
"How's your day?" Mallen asked and kiss my forehead same goes for Santa
Sabay silang umupo sa harapan ko, Mallen unbottoned his polo while Santa brush his hair using his fingers. They both look exhausted.
"Nilalamig ka?" Santa asked
Hindi ba obvious? Hindi ako magsusuot ng ganito kapag mainit.
Tumango ako.
"Did you finish breakfast and lunch?"
BINABASA MO ANG
Silent Obsession (COMPLETED)
Randomwe don't need you to light up our world. just sit with us in the dark.