Tulala sa isang tabi~
Ano na ang nangyayari?~
Tulungan niyo, kaibigan ko~Sinamaan ko ng tingin si Akel ng hindi siya matigil sa kakakanta, ishinoot ko ang bola sa ring bago nagtungo sa bench at pagod na umupo tsaka isinandal ang likod sa semento...pawisan ang katawan ko, pati na din ang buhok ko ay basang basa sa pawis ilang oras na din kasi kaming dalawa ni Akel naglalaro dito sa court dahil pinalabas kami ng Guro namin sa kadahilanang wala kaming nasagutan sa tinatanong nito tungkol sa diniscuss niyang lesson sa math
Mahina ako sa math, kahit ilang beses ituro sakin kung paano kunin ang solutions sa mga problems hindi pa din napasok sa utak ko....sulyapan ko pa nga lang mga iso-solve sumasakit na utak ko, pinasa sakin ni Akel ang bola na agad ko namang nasalo at tsaka ibinato sa malayo.
Kitang nagpapahinga yung tao
Lumapit ito sakin at binigay ang gatorade na binili niya sa labas kanina, nagpasalamat ako at binuksan iyon...Akel ang pinsan ni Caffey, si Akel ang lagi kong naabutang naglalaro ng basketball dito sa court, bilang din sa daliri ang pagpasok nito sa school, tamad mag aral pero sa kabila nun may business naman siya dito sa isla yun ay ang isang sikat na seafood restaurant na dinadayo ng halos lahat ng mga turista kapag nagtutungo dito sa isla
Tama lang ang dating ni Akel, saktong sakto lang....maputi ang ngipin, medyo chubby ang mukha, bilugan ang mga mata at makapal ang kilay, magka sing tangkad lang kaming dalawa.
Umupo ito sa kabilang bench at pinunasan ang mukha gamit ang laylayan ng kaniyang suot na jersey
"Kanina ka pa wala sa wisyo ah? May babae na bang bumabagabag sa isipan mo?" Natatawa nitong tanong
"Anong babae ka diyan? Hindi ako katulad mo"
Napahawak ito sa bandang dibdib at umacting na parang nasaktan sa sinabi ko, i chuckled at ibinato sa kaniya ang gatorade na kalahati nalang ang laman.
"Mas maganda nang madaming babae kaysa naman wala"
Napailing nalang ako, i start fidgeting my fingers nang bigla kong naalala ang napanaginipan ko kagabi....damn i thought it's true, ramdam na ramdam ko talaga ang paghaplos nila sakin, paghalik ni Santa at paglaro ni Mallen, this is really uncomfortable, ginulo ko ang likod ng aking buhok tsaka bumuga ng hangin
"Uwian na ata"
Sabay kaming napatingin ni Akel sa labas ng court at nakita ang mga estudyanteng naglalakad na palabas ng gate, lumapit ito sakin at isinandal ang braso sa balikat ko
"Matanong lang tol, virgin ka pa ba?" Nagkatinginan kami
Tumango ako, bigla itong napahagalpak ng tawa....ang gago tinatawanan ako, hindi ko naman kasalanang hindi maging malandi at hindi ko kasalanan kung bakit hindi ako katulad niya, inis na itinulak ko ito papalayo sakin at tumayo na mula sa pagkakaupo, kinuha ko ang bag ko at dumiretso iniwan itong tumatawa pa din
"H..Huy pffft hintay!"
"Nakakahiya ka ang ingay mo"
"Virgin siya ohh, bait naman ng Uno na yan tingin tutoy"
"Gago ang lakas ng boses mo, ano naman kung virgin pa ako? Lakas mang asar ahh" nangangalati kong sabi at sinipa siya sa likod ng kaniyang tuhod
"Nandiyan na yung dalawa" nginuso nito ang gawi nila Mallen "ghe, alis na ako....virgin boy"
Tinapik nito ang balikat ko at tumakbo papalabas ng school, tinignan ko ang dalawa....relax panaginip lang ang lahat at hindi nila alam na napanaginipan mo sila, ngumiti ako at itinago ang kahihiyan na nararamdaman tsaka nauna nang naglakad, as usual nasa likod ko silang dalawa at nagmumulhang mga bodyguard ko.
BINABASA MO ANG
Silent Obsession (COMPLETED)
Randomwe don't need you to light up our world. just sit with us in the dark.