Chapter 3

7.4K 315 39
                                    

7pm na natapos ang pagpipinta nila Mallen, humihikab na nag unat unat ako at tinignan ang finished nila, napaawang ang bibig ko this is incredible how can someone do this? Napaka realistic, kahit simple lang ay mapapalingon lahat ng tao, si God talaga may favorite din hundred percent paborito niya tong dalawang kasama ko...iniwan na nila ang mga ipininta nila at sabay na kaming tatlong lumabas sa art room.




Madilim na tanging ilaw nalang sa mga lamp post ang nagsisilbing liwanag sa paligid, i huffed and puffed when the cold breeze touch my bare skin, nagsimula na kaming maglakad, may mga naiwan pang estudyante na gumagawa ng mga project o di kaya ay may role play kinabukasan...




Nakatulog ako ng mapayapa kanina, hindi ko sila narinig na gumawa ng ingay habang natutulog ako....wala naman akong ginawa ngayong araw, di naman ako nakipaglaro ng basketball upang mapagod ng sobra, nang makalabas na kami ng gate ay inakbayan agad ako ng dalawa





"Uulan ata" tumingala kaming tatlo at nakitang walang mga bituin sa kalangitan




"Yeah..." Santa agreed





"Sleep with us" Mallen said





Tumango nalang ako na ikinasaya ng dalawa, dumiretso na kami sa bahay nila Mallen kahit hindi na ako magdala ng damit ay okay lang dahil kala Mallen at Santa ako humihiram ng gamit at willing naman silang pahiramin ako, nang makapasok na kami sa loob ay nakita ko si Tito Aiden na ipinapakita kay Tito Maze ang mga kwintas na gawa sa shells





"Hello po, magandang gabi" lumapit ako at nagmano





"Dito ka matutulog Uno?" Tumango ako kay Tito Aiden "buti naman nagrereklamo kasi itong dalawa samin kahapon na kami ang pumilit sayong matulog dito kapag hindi ka pa din pumayag---"





"Dada!"






Tumawa si Tito Aiden kay Mallen, kung hindi pala ako pumayag ngayon o sa mga susunod na araw ay baka sila Tito Aiden na ang pumunta ng bahay at pilitin akong dito matulog, loko talaga tong dalawa walang ibang binigay kala Tito kundi sakit ng ulo





Tinanguan lang kami ni Tito Maze ng magpaalam kaming aakyat na, mula bata hanggang ngayon nagtataka pa din ako kung bakit nabuntis si Tito Aiden eh lalaki naman siya at walang matres, hindi ko din naman masasabing ampon tong si Mallen dahil halatang halata naman na may hawig siya ni Tito Maze at minsan makikita mo ding hawig siya ni Tito Aiden




Nang makapasok na kami sa loob ng kwarto ay lumapit ako sa lagayan ng mga transformers, inipon at inilagay ni Mallen ang mga laruan namin noon dito sa cabinet na transparent para daw maalala namin lahat ng pinagsamahan namin noon.





May painting din kaming tatlo nakasabit sa itaas ng headboard, malaki ang kwartong ito dahil kapag nandito ako ay dito kami natutulog...malaki ang kama, may mini sala at mini kusina.





"Take a shower" binigay sakin ni Santa ang itim na tuwalyang may nakatahing pangalan ko sa gitna





Kinuha ko iyon at sinabit sa leeg, binaba ko ang bag na dala sa upuan at kumuha ng masusuot sa cabinet tsaka pumasok na sa loob ng banyo, narinig ko ang bulungan nilang dalawa ngunit hindi ko naintindihan kung ano ang binubulong nila sa isa't isa.





-----



"Anong gusto niyo paglaki?" Pambabasag ko sa katahimikan






Nakahiga na kaming tatlo sa kama, as usual nasa gitna nanaman nila akong dalawa parehas kaming nakatingin sa kisame habang pinakikinggan ang pagsayaw ng mga puno dahil sa malalakas na hangin, rinig din dito ang pag hampas ng alon sa dalampasigan






Silent Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon