Chapter 2

9.4K 338 50
                                    

Papasok na ako sa loob ng gate ng school ng makita ko ang dalawang naglalakad sa hallway habang may mga babaeng sumusunod sa kanila, may hawak ang dalawa nang gamit sa pag pinta well kasali sila sa art club hindi lang itsura at kakisigan ang kinahahangaan ng mga estudyante sa kanilang dalawa kundi sa galing nilang pagpinta kaso nga lang ang karaniwang ipinipinta nila ay hubo't hubad na katawan, may mga modelo sila dito sa paaralan at lahat ng mga modelo nila ay binabayaran nila.



Nagpatuloy ako sa paglalakad at mukhang naramdaman nila ang presensiya ko dahil sabay silang tumingin sakin, tinaas ko ang isang kamay tsaka sila kinawayan hindi nila ako pinansin, sigurado akong nagagalit sila sakin dahil sa ginawa ko kahapon sino ba naman ang hindi diba? Bibilhan ko nalang sila mamaya ng buko juice baka sakaling hindi na sila magalit, sinipa ko ang batong nadaanan at pumasok na sa loob ng klase, vacant namin ngayong umaga kaya lahat ng mga kaklase ko may mga kaniya kaniyang buhay




"Uno!" Napatingin ako sa tumawag sakin


Galing siya sa kabilang section at may dala dalang tuwalya kaya alam ko na ang gusto nitong sabihin




"Pass muna ako, may gagawin ako eh"




"Ghe, bahala ka diyan"




Kinuha ko sa bag ang notebook na may lamang mga notes na ipinahiram sakin ni Mark, nakakahanga dahil ang mokong na yun top one sa klase siya din ang pinagkokopyahan ko ng mga notes tsaka minsan tinuturuan niya din ako sa mga hindi ko maintindihang lessons, nag glow up ang utak hahahaha




Dala dala ko ang notebook habang naglalakad sa haway patungo sa library kung nasaan namamalagi ang matalino kong kaibigan kasama ang kaniyang matalinong girlfriend, sa library sila naghaharutan




Papasok na sana ako sa loob ng library ng patigilin nanaman ako ng librarian, napakamot ako sa ulo tsaka ipinakita ang likod ng ID ko kung saan nakalagay ang library card para makapasok sa loob pili lang ang nagkakaroon ng permanent Library ID dahil yung iba ibinabalik kapag tapos nang kumuha ng mga libro, nakakuha lang naman ako neto dahil kay Mallen




"Huwag kang maingay sa loob Uno, kilala kita" pinandilitan ako ng Librarian




Menopause na kasi kaya ang sungit sungit sabi ko sa isip at hinanap na kung saan ang dalawa, maya maya pa ay nakita ko sila sa second floor at parehong tutok sa librong mga hawak, magsasalita na sana ako ng biglang mag shhhh ang librarian, nagtama ang mata namin muli niya akong pinandilatan she really hates me.




Pinantapik ko ang notebook na hawak sa likod ni Mark tsaka umupo sa tabi nito




Ramdam ko tinging ibinibigay sakin ng Librarian, nakakailang.....




Pwesto pa naman namin ngayon ay kaharap ang table ng librarian at kitang kita niya mga gagawin kong galaw, tinakip ko ang notebook sa gilid ng mukha at kinausap na si Mark




"Gusto ka ata ng Librarian" ani nito at pinipigilang tumawa




"Nakakadiri ka naman tol, baka ikaw gusto, nagseselos kasi kasama mo si Minnie," nginitian ko ang girlfriend nito ng mag angat ng paningin upang tignan ako "hi, Minnie tumatalino kaibigan ko dahil sayo ahh"




"Lumalakas nanaman boses mo Uno, baka batuhin ka na ng upuan nung Librarian" bulong ni Minnie sakin




"Bakit ka ba kasi nandito? Baka hanapin ka nanaman ng dalawa"





Ipinakita ko kay Mark ang notebook niya kinuha niya ito tsaka inilapag sa lamesa




"May hindi lang kami pagkakaintindihan ng dalawa kaya malabong hanapin nila ako" nagsimula akong magkalkal sa bag ni Mark, puro libro at notebook hanep ahh



Silent Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon