Chapter 15

5.6K 217 11
                                    

"Wow, so stunning" pagpupuri samin ni Tito Aiden at Tito Maze




Nandito na kami sa loob ng Gymnasium at kanina pa nagsimula ang party, hindi matigil si Tito Aiden sa pagpupuri saming tatlo habang si Tito Maze ay pinupuri din kami ngunit kay Santa at Mallen siya kadalasang natingin parang nag uusap sila gamit lamang ang mga mata, may limang upuan sa pinaka harap kung saan uupo sila Mallen at sila Tito Aiden, nasa gilid naman namin si Caffey at talagang ang ganda niya ngayon, she's wearing a blue ball gown at nakapang Cinderella hairstyle siya, maraming estudyante ang nakatingin sa amin




Hindi ko naman malapitan si Akel na nasa kabilang dulo at maraming babae ang nakapalibot sa kaniya dahil baka magalit lang tong dalawa sakin, tumahimik na ang lahat nang umakyat na ang MC, pinaupo na ako nila Mallen dahil pupunta na sila sa harapan, bumagsak ang tingin ko sa dalawang kamay ni Mallen at Santa na nag landing sa bewang ni Caffey kiniligin naman ang lahat sa nasilayan at namula naman ang mukha ni Caffey, pumalakpak ang lahat ng pumunta na sa harapan ang lima at umupo sa kanilang mga upuan




And now im alone here, gusto sana ni Tito Aiden at Tito Maze na magpalagay pa ng isang upuan para sakin ngunit tumanggi ako dahil nakakahiya naman.




May speech si Tito Maze, ilang minuto din iyon kaya nang matapos ay nagpalakpakan muli kaming lahat.




"enjoy the party" sabi ng MC bago bumaba ng stage at nakipag handshake sa mag asawa




"what's with the long face?" lumapit na sakin si Akel at umupo sa tabi ko "wala ka bang planong mag saya?"




"wala"




Kinuha ko ang malamig na tubig na nasa ibabaw ng lamesa at sumimsim doon




"ang boring, diba?" siniko ako nito, tinanguan ko lang siya "punta tayo sa field?"




Napatingin ako sa harapan, busy ang dalawa sa pakikipag usap kay Caffey....bumuntong hininga ako at tumango, napa yes naman si Akel at inakbayan ako, sabay kaming lumabas ng gymnasium at kagaya ng sinabi nito ay nagtungo kami sa field, nang makaupo sa damuhan ay may dala dala pala itong isang red wine at dalawang maliit na baso, binigay niya sakin ang isa na tinanggap ko naman




"pumunta lang naman ako dito dahil maraming chix" he said

Silent Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon