Special chap 1

5K 217 21
                                    

"How when you did doing, kids?"






Zenon sigh, Zeurt laugh and Zemus groaned.





"Yaya Oting, you're wrong" mahinahon na sabi ni Zenon habang may hawak na ipad






"Tinuruan ka na namin for so many times" sabi naman ni Zemus na nag ddribble ng bola sa gilid






"Hahahahaha yaya Oting, ang funny mo talaga" Tumigil si Zeurt sa paglalaro ng robots para tawanan at lapitan si Yaya Oting na napapakamot nalang sa batok





"Ih, paano ba ulit?" Yaya Oting asked






Nagtaas ng kamay si Zenon at pinatahimik ang dalawang kapatid.





"What are you doing, kids" pagtatama ni Zenon





"Ayyy naku ayoko na bahala na, eto na pala mga hiningi niyong mirienda" nilapag ni Yaya oting ang tray sa lamesa at umalis na upang bumalik sa kusina.





Bumalik sa mga ginagawa ang tatlo kasabay ng pagbaba ni Uno na nakahawak sa balakang at inaalalayan siya ni Mallen at Santa na nasa magkabilang gilid niya. Nang maramdaman ang kamay ni Santa na nasa pang upo niya ay sinamaan niya ito ng tingin.





Pitong buwan ng buntis si Uno sa kambal na babae at lalaki, nagtataka pa din si Uno hanggang ngayon dahil wala naman sa lahi nila ang mag anak ng twins o kambal. Nang makababa sa sala ay sinalubong sila ng triplets at pinuno ng yakap at halik ang malaki na nitong tiyan.





"Yaya Oting is so hard to teach" reklamo ni Zemus





"Kailangan lang niya ng time" segunda naman ni Zenon





Anim na taong gulang na ang triplets at kung pagkukumparahin sa ibang mga kaedaran nila ay mas matured na silang tignan.





"Papa" hinila hila ni Zeurt ang laylayan ng tshirt ni Santa "im going to poop"






"Mallen" tawag ni Santa kay Mallen





Pinanlakihan naman siya nito ng mata





Napapikit ng mariin si Uno, sa mga ganitong bagay nagtuturuan ang dalawa kung sino ang sasama sa mga bata at maghuhugas ng kanilang mga puwet.





"Why me? Ikaw ang nilapitan" ani ni Mallen





"Go to papa Mallen, Zeurt. Im busy taking care of your papa Uno" rason ni Santa





Lalapit na sana si Zeurt kay Mallen ng pigilan siya nito





"Im going to cook for papa Uno" rason naman ni Mallen






"Lalabas na" nakahawak na si Zeurt sa kaniyang pang upo at nakakunot na ang noo





"Ako na" nilapag ni Zenon ang ipad sa sofa at sinamahan na nga ang kapatid






Sinamaan ni Uno ng tingin ang dalawang katabi bago kinausap si Zemus





"I told you na huwag maglaro ng bola dito sa loob ng bahay dahil baka may matamaan ka" Uno said





"Nag iingat naman ako papa" Zemus






"Para saan pa ang court na pinagawa ng papa mallen at papa santa mo kung dito ka naman sa loob naglalaro?" Umupo si Uno at kinuha ang bola ni Zemus "oh...are you mad?"





Pinunasan ni Uno ang noo ng anak at niyakap ito






"Im not mad" natawa si Uno dahil alam naman niyang galit ang anak dahil ayaw nitong sinasaway siya o pinagsasabihan





"Kiss papa para hindi ko isipin na galit ka sakin"





Galit na hinalikan ni Zemus ang pisngi ni Uno at kinuha na ang bola bago lumabas ng bahay





"How about us----" natigil sa pagsasalita si Santa ng masama pa din ang tinging binibigay sa kanila ni Uno





"Samahan niyo ang dalawa sa banyo at baka madulas pa ang mga iyon!" Inis na sabi ni Uno sa dalawa





Halos magkadapa dapa na ang mga ito para lang puntahan ang banyo.





"Hindi sa pagbubuntis ang dahilan ng pagod ko kundi sa dalawang iyon" bulong ni Uno sa sarili

Silent Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon