Nagising ako ng marinig ang iyak ng isa sa mga triplets, nasa crib sila na nakapwesto sa gilid ng kama ko. Bumangon ako at sinilip kung sino sa tatlo ang naiyak at si Zeurt iyon na umiiyak dahil tinatap siya ni Zemus sa braso habang ang panganay ko naman na si Zenon ay malayo sa dalawa at mahimbing ang pagkakatulog. Kinuha ko si Zeurt at hinele habang pinapanood si Zemus na sinisipa na ang unan na nasa gilid nito. Ewan ko ba kay Zemus lahat nalang ata ng madikit sa kaniya ay sinasaktan niya, may galit ata siya sa lahat.
Napapikit ako ng malawayan ni Zeurt, he giggled kaya nilapag ko siya sa ibabaw ng kama at sinimulang amuy amuyin ang kaniyang leeg at kili kili ganun din ang ginawa k okay Zemus kahit na napuno ako ng sipa at sampal sa kaniya.
Hindi ko na inistorbo pa si Zenon dahil siya ang huling nakatulog. Matapos painumin ng gatas ang dalawang batang gising pa ay napagdesisyunan ko nalang na itabi sila sa akin at kinuha ang remote ng tv at pinanood ang dalawa ng baby sensory.
Humikab na ako at pinikit ang mga mata, kinabukasan ay kinuha nanaman nila Sarah at Troy ang triplets...nagdidilig ako ngayon ng mga halaman ni Nanay Selda, minsan ay tinatawag ako nila Sarah at tinuturo ang triplets na humahanga sa mga balloons ng mga batang nakapaligid sa kanila. May tumapik sa likod ko at si Nanay Selda iyon na kinuha ang hose na hawak ko, this is what I want....masaya at payapa, hindi ako magsasawang magsabi ng salamat kay Tito Aiden at sa lahat ng mga tao dito. Kagaya ng sabi ko noon kung wala sila ay hindi ko na alam kung saan ako pupulutin, this is my safe place, my comfort place, my family.
Lumapit na ako sa triplets at unang nag react ng makita ako ay si Zenon
"Miss mo ang mama?" kausap ni Sarah kay Zenon "miss ka na Uno"
"Hi Zenon, maiingay ang mga kasama mo diyan?" tukoy ko sa dalawang kapatid nito na puno na nang laway ang leeg at pisngi dahil nagpapabula na ng laway "karga?"
Nag iwas ng tingin sakin si Zenon tila hindi nagustuhan ang sinabi ko kaya napatawa ako
"Ayaw daw ng karga sabi" pabirong pinalo ni Troy ang braso ko "ay kadiri, dami nang laway ni Zemus...akala ko cool ka?"
Pupunasan na sana ni Troy ang pisngi at leeg ni Zemus nang suntukin siya nito
"Mag b boxing ata yang anak mo, Uno" ngusong sabi ni Troy
"Huwag mong istorbohin yang si Zemus kaya ka sinasaktan kasi kinukulit mo din eh" Sarah said
Narinig ko ang pag ring ng phone ko kaya nagpaalam ako sa kanila upang sagutin ang tawag
"Hello?"
Walang nasagot sa kabilang linya so I check kung sino ang caller pero unknown number naman, prank call? I puckered my lips and end the call. Pero muling nag ring, bumuntong hininga ako at kagat kagat ang hinlalaki na sinagot muli ang tawag
"Kung sino ka man ay huwag ka nang tumawag busy yung tao" inis kong sabi
"Uno Mikael" paos ang boses na sabi ng kabilang linya
Kumunot ang noo ko
"S...sino to?"
BINABASA MO ANG
Silent Obsession (COMPLETED)
Randomwe don't need you to light up our world. just sit with us in the dark.