Chapter 46

5.4K 239 50
                                    

Si Oting ang unang sumalubong sa akin ng makabalik ako kasama si Santa at Mallen sa bahay, nagsumbong sa akin si Oting sa ginawang pananakot ng dalawa sa kanilang lahat at nagtangka pang barilin si Oscar buti nalang daw ay hindi natuloy, si Oscar naman ay tinanguan lang ako...alam kong may tampo siyang nararamdaman sa akin dahil tumakas ako, kakausapin ko nalang siya mamaya sa ngayon muna gusto kong makita ang triplets, I miss them.










Umakyat ako sa hagdan at sinusundan si Oting, napalunok ako dahil tumigil ito sa kwarto ko, dahan dahan niyang binuksan ang pinto at niluwagan pa, sinenyasan niya akong pumasok tipid lang akong ngumiti, nakita ko na ang triplets nasa malaking crib sila at mahimbing ang pagkakatulog, napatakip ako sa bibig at hinayaan umagos ang luha sa pisngi, god.....hindi ko kakayanin na mawalay sa kanila ng matagal simula nang dumating silang tatlo sa buhay ko ay para akong binigyan ulit ng panginoon ng pangalawang buhay at kasiyahan.










Umupo ako sa gilid ng kama at inabot ang pisngi ni Zenon na as usual nakasiksik na ang katawan sa pinaka dulo ng crib ayaw niyang may katabi, lumapit si Oting at tinignan din ang mga triplets. Sunod kong hinawakan ay si Zeurt na nakabukaka at nasa taas ng ulo ang mga kamay, while si Zemus naman ay nakadapa at nakangusong natutulog.









"Ser Uno, ayaw sa amin ng treplets" kinaway kaway pa ni Oting ang isang kamay "ang gusto nila ay yung mga tatay nila naku kahapon nga sobrang iyak ng mga ito tapos sila Ser nasa art room nila at dahil ayaw namin maistorbo sila Ser sinubukan namin na patahanin ang tatlo kaso mas lalong umiyak, kaya tinawag nalang namin sila Ser at ng buhatin na nila ang treplets tumigil kaagad sa pag iyak"









Bumalik ang tingin ko sa mga anak ko, kilala nila kung sino ang kanilang mga ama.







"Nandito na si papa" I whispered









Napataas ang aking kilay dahil gumalaw si Zemus, dumilat ang mga mata nito at tumama iyon sa akin. Nang makilala niya kung sino ako ay umasim ang kaniyang mukha hanggang umiyak na siya, I guess he miss me. Tumayo ako at kinuha siya sa crib, hinalikan ko ng ilang beses ang pisngi niya , he touches my cheeks akala ko ay sasampalin niya ako pero hindi, alis balik ang kamay niya sa pisngi ko.










"Miss me, Zemus? naging goodboy ba ikaw? hindi ka ba naging pasaway dito?" pag kausap ko sa kaniya "mwuahh" tumigil ito at tumitig sa akin ng halikan ko ang tungki ng kaniyang ilong











"Naku may sipon ang Semos" sabi ni Oting










Natawa nalang ako ng marinig ang pag banggit nito sa pangalan ni Zemus










Natahimik ng pumasok si Mallen at Santa










"Maglilinis pa ako sa sala mga Ser" Oting said











"Ok" Mallen













Humiga si Zemus sa balikat ko kaya sinayaw sayaw ko siya, minsan lang maglambing si Zemus kaya kapag ganito siya at hindi nananakit dapat sulitin na











Sumunod na nagising si Zenon at Zeurt at gaya kay Zemus napatingin sila sa akin at ng tawagin ko ang pangalan nila ay nagsi iyakan sila, binuhat ni Mallen si Zenon habang si Zeurt naman ay kay Santa but the two wants me dahil nakataas ang dalawang kamay nila at pilit akong inaabot, ibabalik ko na sana si Zemus sa crib niya ng higpitan niya ang pagkakayakap sa leeg ko.











Silent Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon