(Chapter 32 na pala tayo hindi ko napansin hehehehe, natagalan ang update ni author pasensiya na)
-
Wala sila Mallen at Santa ng magising ako kaya kahit na masakit ang katawan at nanghihina umalis pa din ako sa ibabaw ng kama at hinukay ang keypad na itinago, napahawak ako sa gilid ng manginig ang tuhod ko, bumuntong hininga ako at nag ipon ng lakas bago pumunta sa banyo at nilock ang pinto.
Pumikit ako upang alalahanin ang numero ni Akel, ilang minuto pa bago ko naalala, dinial ko kaagad ang numero niya at hinintay sagutin ang tawag ko.
"Hello? Sino to?"
Nagbagsakan ang luha ko ng marinig ang boses nito
"Prank call ba to?"
"A....Akel" nasinok ako at pinunasan ang luha "you traitor, akala ko kaibigan kita....sabihin mo sakin ang lahat lahat please, hindi ako naniniwala sa sinabi nila Mallen at Santa tungkol sayo. Alam kong hindi mo magagawa sakin yun, matagal na tayong magkaibigan Akel, i know you"
"What are you talking about Uno? Sayang career mo, nagtatampo mga kabanda mo sayo. Hindi mo naman kailangan mahiya na bakla ka hindi naman kita pandidirian kaibigan kita...."
Natigil ako sa pag iyak, kumunot ang noo ko sa sinabi nito
"A...ano sabi mo? Hindi kita maintindihan Akel"
"Matapos mong mawala pumunta dito sa tinutuluyan ko si Mallen at Santa sinabi nila na nahihiya ka daw magpakita sa amin dahil baka ikahiya ka namin sa pagiging bakla sinabi din nila sakin na umamin ka daw sa kanilang dalawa at dahil gusto ka din nila ay napagdesisyunan niyong tumira sa iisang bubong, ganun din ang sinabi nila sa mga kabanda mo at kay Toper"
"Totoo bang tatay ni Toper yung guard diyan?"
"Oo naman"
Napatakip ako sa bibig at napadausdos na pababa sa sahig
"Saan ka ba? Para mabisita ka naman namin"
Niyakap ko ang dalawang tuhod at binaon ang mukha doon
"Hindi totoo yung sinabi nila---kinidnap nila ako Akel! Hindi ko sila gusto! Help me, hindi ko alam kung nasaan ako maraming nakabantay sakin dito, nakakulong ako Akel"
Narinig ko ang ilang beses nitong pagmumura
"Open mo location ng phone na gamit mo Uno" seryoso niyang sabi
"Im using keypad"
"Fuck!"
"Ta....tatakas ako, gagawa ako ng paraan, tatawagan nalang kita kapag nakatakas ako"
"Mag usap tayo kapag nagawa mo na yan, ipapakulong natin sila Mallen"
Pinatay ko na ang tawag at flinush sa bowl ang keypad, sorry Terry....
Naghilamos ako ng mukha at lumabas ng banyo, nagulat ako dahil nandon si Terry nakatayo sa dulo ng kama ko nakatulala ito sa akin, kinabahan ako dahil napailing ito. Narinig niya ba? NARINIG NIYA BA?!
"Sasabihin ko kala Sir ang tungkol dito" she firmly said
"Huwag Terry maawa ka sakin"
BINABASA MO ANG
Silent Obsession (COMPLETED)
Randomwe don't need you to light up our world. just sit with us in the dark.