"UNO!" napaigtad ako ng marinig ang pasigaw na pagtawag sakin ni Santa
Nilingon ko siya, tinaas nito ang hintuturo at sinenyasan akong lumapit sa kaniya...ano nanaman kailangan nito sakin? Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa buhanginan at iniwan ang ginagawa naming sandcastle ni Snow, nang makalapit ako kay Santa ay bigla nalang niyang hinila ang suot suot kong sando at sumilong kaming dalawa, nilabas nito sa bulsa ang maliit na bote ng sunblock at sinimulang lagyan ang braso at leeg ko.
"Ako na Santa" tinignan niya lang ako ng masama kaya nag iwas nalang ako ng tingin
Nandito kaming lahat sa tabi ng dagat at nagbobonding, gusto kasi ni Tito Gecko at Tito Aiden na magpahangin kaya naisipan nilang tumambay dito kaya sumama nalang din kami dahil boring naman at walang magawa...nasa di kalayuan sila Mark at ang mga kaibigan nito na kalaro namin nung mga bata pa kami, nag vo-volleyball sila.
"Close your eyes"
Sinunod ko ang utos nito, nilagyan niya ng sunblock ang mukha ko, sinigurado niyang lahat ng nakikitang balat ko ay mayroong sunblock.
Matapos ang ginagawa nito ay ibinalik niya sa bulsa ang bote ng sunblock at tinulungan si Mallen na kakadating palang at may dala dalawang tray na naglalaman ng mga pagkain...tumulong na din ako at kinuha ang isang tray na dala ng isa sa mga kasambahay nila, inilapag namin iyon sa bilog na lamesang basa gilid, malaking payong ang humaharang sa sinag ng araw.
"Natagalan ka?" Sabi ni Tito Maze sa anak niya
"May ginawa lang dad" nagkatinginan si Santa at Mallen, parang nag uusap silang dalawa gamit ang isip
Umupo ako sa harapan ni Tito Chase, napansin ako nito...ngumiti ako, kahit may mga edad na silang apat hindi pa din kumukupas ang kanilang pag ka gwapo at pagkakisig, para silang mga millenials.
"Ano ang binabalak mong kuning trabaho kapag nakapagtapos ka Uno?" Tanong ni Tito Chase
Nahihiyang napakamot ako sa batok at sinabi ang gusto ko paglaki, they all chuckled kaya mas lalo akong mahiya....inakbayan ako ni Tito Maze.
"Being an actor is what Uno wants," Tito Maze said "well, im going to support you"
"Salamat po tito" sabi ko sa kaniya
"Kung ganon, pupunta ka ng Manila?" Tito Gecko asked
Hindi ko alam kung bakit napatingin ako kala Mallen, naghihintay silang dalawa ng isasagot ko...kung tutuusin ayokong umalis dito sa isla ngunit kailangan dahil artista ang gusto ko paglaki ko, ninety nine percent din na aalis si Santa dito dahil engineer ang gusto niya, si Mallen naman ay pwede ding umalis o di kaya ay mag stay dahil aakuin niya lahat ng mga business ni Tito Maze, bumalik ang tingin ko sa harapan at dahan dahang tumango.
Lumapat ang kamay ni Mallen sa balikat ko at pinisil iyon
"Don't you want to stay here with us?" Mallen asked me
Lihim na ngumiwi ako ng mas lalo pa niyang pisilin ang balikat ko
Hindi ako sumagot, maya maya pa ay inalis na din nito ang kamay sa balikat ko kaya nakampante na ako....
Tumabi sakin si Snow at sinamahan akong manood ng volleyball nila Mark
"Hindi mo ba alam mag laro ng volleyball?" Tanong nito at pareho naming sinundan ang lumilipad na bola hanggang patamaan iyon ng isa sa mga kalaban nila Mark
BINABASA MO ANG
Silent Obsession (COMPLETED)
Randomwe don't need you to light up our world. just sit with us in the dark.