Prologue

201 6 0
                                    



"Zoiah? Holy cow!" Aia said dramatically as soon as she saw me, blinking twice to give herself time to take it all in. "Finally! You're here!" When she's recovered, she immediately greeted me with a tight hug. Hindi na niya hinintay na makalapit ako dahil kusa na siyang tumakbo papunta sa akin para ambahan ako ng isang mahigpit na yakap.


I also hugged her back. Napansin na rin kami ng iba naming kakilala kaya lumapit sila para batiin ako. I smiled and waved at them.


"Welcome back to the Philippines! I missed you!" She said while hugging me. Her name is Aia, my one and only best friend.


"Aw, I missed you more," I replied.


"Welcome to Seville Province, Zoiah! Grabe, gumanda ka lalo ah! Iba talaga pag galing New York no? Nag-iiba yung glow! Muntik pa kitang hindi makilala," bungad agad ni Ryan na ngayon ay nakalapit na sa amin. Lumapit siya, para bumeso sa'kin bilang pagbati.


"Sus, bolero."


"Hindi ka man lang nagsabi sa akin, bruha ka! Ngayon pala ang araw ng pagdating mo. Eh 'di sana, ako ang sumundo sayo sa airport pero kahit text o call man lang, wala. Bruha ka talaga!" reklamo ni Aia nang bitawan ako saka mahina akong tinampal sa braso.


Natatawa akong umiwas sa kaniya. "Because I want to surprise you guys! Come on, I just got here. Let me have my vacation in peace." I said dramatically, rolling my eyes at her.


Lumapit ang mga classmates namin noon at isa-isang bumati sa akin ng yakap at pangangamusta. Only a few people are familiar to me. But I still greeted them with humblesneess. Nasa Private Beach Resort kami nila Aia, for a High School Reunion that she solely prepared for us. Pagkatapos ng batian at kamustahan, tinulungan ako ni Ricky at Emmanuel sa paghatid ng mga baggage na dala ko sa room na kinuha ni Aia para sa akin.


"Ang dami naman nitong gamit na dala mo! Ano to? Naglayas ka ba sainyo? Good for 1 year na yata 'to eh, 3 days lang tayo rito." reklamo ni Aia pagkakita sa mga dala ko.


"Aia... you know I don't repeat clothes. Oh, and by the way, I've got some presents for you and everyone. Ricky, open that one." turo ko sa isang bag na dala niya.


Pinigilan agad ni Aia si Ricky na buksan iyon. "Wag na! Bukas mo nalang yan ipamigay pag naayos na lahat ng gamit mo. Tara na, pumunta nalang tayo sa resto. Gutom na gutom na ako eh! Boys, sumunod kayo ha?" ani ni Aia at hinila na ako papunta sa Seafood restaurant nila.


"Sige, susunod kami!" tugon nila. Nakapasok na sila sa room kaya iniwan na namin sila doon.

365 Days With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon