Niyaya ko sila Mama at Papa pumunta sa University namin para panoorin ang role play nila Ryo at Joana, buti nalang pumayag sila. Buong umaga, naghahanda lang kami at nag-aayos ng mga upuan para sa mga manonood dahil mamayang gabi pa ang program. Pagkatapos kong tumulong sa pag-aayos pumunta ako sa back stage para mag good luck kina Ryo at Joana.
"Smile!" I said and took a picture of them. It was a stolen picture, busangot ang mukha ni Joana dahil nilagyan ni Ryo ng sungay ang ulo niya.
Natawa ako. "Isa pa, ayusin niyo naman." sabi ko at sinubukan ulit silang kunan ng pictures. Sa pangalawang take ay nakisali na yung iba.
"Kaninong camera yan?" tanong ni Joana nang matapos. Tiningnan ko ang hawak kong digital camera.
Ngumiti ako sa kaniya. "Kay Zumiere, hiniram ko kanina." sagot ko. Pinanliitan niya ako ng mata bago ngumisi sa'kin. I rolled my eyes on her.
"Hi Louis! Ang gwapong bata mo naman, jojowain kita pag laki mo." malanding sabi ni Berly sa kapatid ko.
Pinalo ko siya sa braso. Nagtago tuloy ang kapatid ko sa likuran ni Mama, nahihiya sa kanilang lahat. Iginiya ko papasok sila Mama at Papa sa loob ng gymnasium. Humalik muna ako sa pisngi ni Louis bago magpaalam sa kanila at bumalik sa ginagawa ko.
Humingi kasi ng pabor si Pres Yvonne na kunan ang mga ganap ngayon at sakto, wala naman akong ibang gagawin kaya pumayag ako agad. Busy ang iba kaya wala siyang mahingan ng pabor. Nakalimutan niya ring dalhin ang camera niya pero mabuti nalang, to the rescue si Zumiere at pinahiram sa'min ang camera niya.
Abala rin si Zumiere sa mini-live concert ng booth nila kaya hindi na niya ako nasamahan. Siya kasi ang president ng music club. Kanina ko lang din nalaman. Hindi sinabi sa'kin ni Mira dahil akala niya, alam ko na raw, tutal kami raw lagi ang magkasama. Impossibleng hindi raw namin napag-usapan. Wala namang sinabi si Zumiere sa'kin. Nagsiksikan na nga lahat ng tao sa booth nila kanina dahil sa kaniya.
"Smile guys!" sigaw ko sa mga kaibigan ko. Nag pose silang lahat. "Nice! Sa back stage lang ako." paalam ko sa kanila.
Pumunta na ako sa back stage at pinicturan silang lahat. Lahat ng tawanan, hiyawan, pagkamali nila sa stage, mga audience, student council members, dean at professors. Lahat ng naging parte nang masayang gabi na ito ay nakunan ko. Nakangiti ako the whole time habang ginagawa ang trabaho ko.
Pagkatapos ng program, pumunta kaming lahat sa soccer field para manood ng bonfire. Nag-paalam na sila Mama at Papa na uuwi kasama si Louis dahil gabi na at nakatulog si Louis sa balikat ni Papa habang karga niya ito. Binalik ko muna ang SD card kay Pres Yvonne dahil for school purposes daw 'yon. Camera lang kasi ni Zumiere ang hiniram namin.
"Are you done?" tanong ni Zumiere nung lumapit ako sa kaniya. Tumango ako bago binigay ang camera niya at tinanggap niya ito.
May kinuha siya sa bulsa niya at nakita kong SD card iyon. Ibinalik niya ito sa camera. He started taking pictures of the surroundings. Magkatabi kami sa gilid ng soccer field. Nakatayo sa 'di-kalayuang bonfire na nasa gitna ng soccer field at sa likod namin ay mga food truck. Gabi na, kaya ang malaking bonfire ang naging liwanag sa malawak na field ng school namin.
BINABASA MO ANG
365 Days With You [COMPLETED]
Teen FictionLufena Guttierrez is a beautiful teenager girl, she had it all, the beauty, talent, a loving family and friends. She almost have everything well, except for a boyfriend. She never had one. Wala na kasing nagtatangkang manligaw dahil takot mareject s...