Chapter 22, Title: School Festival

88 6 0
                                    



Maaga akong nagising. Gaya kahapon walang pasok sa afternoon class kaya nagdesisyon kami na pumunta nalang sa Akemi Academy. The students there welcome us with a warm smile. They were very polite and kind. Mas marami pa ring pure filipino kesa half-japanese.


Magkasama kami ni Zumiere dahil yung iba naming kaibigan ay iniwan kami at pumunta sa iba't-ibang booths and events. Tumitingin-tingin kami sa mga booths at nag hahanap ng magandang puntahan para sumali sa mga games.


"Gutom ka na ba?" tanong niya sa'kin.


Umiling ako. "Kakatapos lang natin mag Lunch kanina kaya busog pa 'ko. Ikaw? Gutom ka na?" tanong ko sa kaniya. Umiling rin siya. "Gusto mong pumunta sa Haunted house? Mahilig ka ba sa horror?" tanong ko ulit sa kaniya.


He playfully smiled to me. "Bakit?" tanong ko dahil pinanliitan niya ako ng mata, hinuhusgahan ako habang may mapaglarong ngiti sa labi.


"Tsansing ka ah..." puna niya.


Mapakla lang siyang natawa nung sinampal ko ang braso niya. "Nagtatanong lang naman, tsansing agad? Kung tsansing ako dapat hindi haunted house yung nirecommend ko kundi sa wedding booths, for couple-only games, café-" napahinto ako nang biglang may nagsalita.


"Ano yan LQ?" tanong ni Jim. Nakangisi sa'min.


"They're not Lovers yet, so maybe FQ. Friends Quarrel." Glade commented, crossing his arms while eating ice cream.


"L-O-L, seriously? Hanggang dito ba naman?" bulalas ni Lucas habang napapailing sa'min.


"Don't mind them, they're just bitter." Night said before greeting us. Lahat sila bukod kay Glade ay dito nag-aaral. Nahihiya akong bumati sa kanila. Napansin kong kanina pa nakatitig sa'kin si Glade kaya lumingon ako sa kaniya dahilan ng pag-iwas niya ng tingin.


Nakasuot silang tatlo ng bunny ears bukod kay Glade. Iba't-iba nga lang ng kulay at design. Kaya tinanong ko sila kung anong ganap nila.


"Café booth. Servers kami, si Glade naman bumisita lang siya, gaya niyo. Ang pinagkaiba lang wala siyang ka-date hahaha!" biro ni Jim na sinabayan naman ni Lucas nang malutong na tawa.


"Break time namin ngayon kaya nandito kami," dagdag naman ni Night.


"May fireworks display nga pala mamaya sa closing ceremony, 6pm." anunsyo ni Lucas bago nagpaalam sa'min na babalik na sila.


"Wala kasing pupunta sa booth namin pag wala yung kagwapohan ko dun, kaya alis na kami. Goodluck sa date Lover boy!" pahabol na biro ni Jim kay Zumiere. I laughed when they all raised their middle finger on Jim because of the statement that he's handsome.


Hinawakan ni Zumiere ang kamay ko kaya bumaba ang tingin ko rito bago sa kaniya. Pinagsiklob niya ang mga daliri namin. He smiled at me in a reasurring way. "Let's go?" He asked. I smiled and nodded. Nagpadala ako sa hila niya.

365 Days With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon