Chapter 25, Title: Quality Time

84 5 0
                                    



Sobrang bilis ng panahon. Mag-iisang buwan na rin mula nung naging kami. Naging maganda ang takbo ng relasyon naming dalawa lalo na nitong mga nakaraang linggo. Pero hindi parin talaga maiwasan na may magalit na ibang babae sa'kin dahil sa inggit. Hindi ko nalang sila pinapansin dahil mas mahalaga sa'kin ang sariling kaligayahan kesa sa opinyon ng iba.


Magkasama rin kami tuwing lunch, siya na rin ang laging sumusundo sa'kin tuwing umaga para sabay kaming pumasok. Hinahatid niya naman ako tuwing uwian na. Naghihiwalay lang kami sa oras ng klase at kapag nakauwi na kami sa aming mga sariling tahanan.


Zumiere is the reason why this year is so special for me. I was able to create a lot of memories with him. I can imagine a bright future with us, and I want to stay with him until we age.


"Let me get it for you," rinig kong sabi ni Zumire mula sa likuran ko.


Hinarap ko siya, seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa shelve kung saan nakalagay ang libro na pilit kong inaabot simula kanina dahil hindi ko ito makuha. He raised his arm on the left side of my head so he could get the book I want. I was just looking up to him. I blinked when he handed the book to me, our face were so close to each other.


"T-thanks," I stuttered as I accepted it. Niyakap ko ang librong hawak. Depensa para sa sarili dahil sa kaba at bilis ng tibok ng puso ko.


Oo, matagal na kami. We even kissed one time. Pero hindi parin ako nasasanay sa presensya niya. Every moment with him felt like it's still our first time. Kaya nahihiya parin ako at kinakabahan lalo na pag malapit kami sa isa't-isa. Araw-araw mas lalong tumitindi ang nararamdaman ko para sa kaniya.


He just slightly nods while staring at me passionately. "You're beautiful," He answered, directly staring at me.


My face heated and I could feel that I'm blushing. "H-hindi ba dapat you're welcome?" tanong ko sa naging sagot niya.


He chuckled because of what I said. He just gave me a small pat on my head. He likes doing that when he got nothing else to say. Then his eyes went down to my feet. His brows furrowed, and he combed his hair before kneeling in front of me.


Nagulat ako pero bago pa ako maka-react ay nakita kong inaayos na niya ang napigtas na tali saking sapatos. Pwede naman niyang sabihin sa'kin para ako na ang magtali, may mga kamay naman ako. Pero hinayaan ko nalang. He always treat me like a princess.


"Are you free tomorrow?" He asked before standing up.


Napaisip ako. Sabado na nga pala bukas. Sa tingin ko wala naman akong ibang gagawin. Kaya tumango ako. He smiled and stood up to stare at my face. "Good. Let's go out on a date." aya niya. Ngumiti rin ako sa kaniya at hindi na tumanggi.


"Sure!" I said excitedly like a puppy.


"Sayang talaga yung Party ni Nathan nung isang linggo, hindi tayo nakapunta ba't pa kasi may exam non?!" reklamo ni Mira. Nagdadabog siya sa kama ko, habang ako naman busy sa pakikipag-text kay Zumiere.

365 Days With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon