I never cried at my ex-suitors whenever they dumped me without a warning because they loved someone or chose someone else over me—Sa kaniya lang.
Mabilis mahulog ang loob ko sa isang tao. Yan ang kahinaan ko. Pero mabilis rin akong makamove-on. Hindi ko nga lang alam kung ganun rin ba kay Zumiere.
Paano pa ako makakabangon nito, eh ang lalim ng pagkahulog ko...
Matamlay ako pagsapit ng umaga at walang ganang lumabas. Pumasok si Mama sa kwarto para gisingin ako dahil may pasok pa ako sa araw na 'to. Kahit dilat na dilat naman ang mga mata ko dahil hindi ako nakatulog kagabi sa kakaiyak. Mugto ang mga mata ko pagtingin sa salamin.
"Maligo ka na, mukha ka ng panda sa itsura mo. Ang laki ng eyebags mo oh." komento ni Mama sa likuran ko.
"Umiyak ka ba?" biglang tanong niya at pinanliitan ako ng mata, sinusuri ang mukha ko. "Parang umiyak ka eh," sagot niya agad sa sariling tanong, hindi na hinintay ang isasagot ko.
Ayokong magsinungaling kaya lumabas nalang ako sa kwarto para makaligo na. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na 'ko agad at lumabas ulit para pumunta sa school.
"Anak..." tawag sa'kin ni Mama kaya lumingon ako sa kaniya.
Nag-aalala niya akong tiningnan at biglang niyakap kaya nagulat ako. "Kung ano man ang pinoproblema mo anak, lapit ka lang sa'kin at dadamayan ka ni Mama ha? Gusto kong malaman mo, na hindi ka nag-iisa, at nandito lang si Mama..." mahinang sabi niya habang tinatapik ang likuran ko.
Gumanti rin ako ng yakap sa kaniya. Nauna nang pumasok si Papa sa trabaho. Nasa school narin si Louis dahil may school service siya kaya kami nalang dalawa ang naiwan at nagdadrama ngayon sa bukana ng pintuan namin.
"Salamat Ma..." sambit ko, ayokong makita niyang umiiyak ako kaya pinigilan kong maluha sa harapan niya.
Kumalas siya at nakangiting tiningnan ako. "Hay... ang ganda-ganda talaga ng anak ko, manang-mana sa'kin." sabi niya habang inaayos ang buhok ko.
Umirap naman ako sa kaniya. "Ma, hindi mo na kailangan mambola." biro ko, kaya natawa siya.
Bigla niya akong binigyan ng shades. Kumunot ang noo ko bago tinanggap ito. "Suotin mo 'yan, mugto ang mga mata mo, ampangit mo na tuloy tingnan." biglang bawi niya sa sinabi.
"Akala ko ba maganda ako?!" reklamo ko.
BINABASA MO ANG
365 Days With You [COMPLETED]
Teen FictionLufena Guttierrez is a beautiful teenager girl, she had it all, the beauty, talent, a loving family and friends. She almost have everything well, except for a boyfriend. She never had one. Wala na kasing nagtatangkang manligaw dahil takot mareject s...