Chapter 11, Title: Confession

59 5 0
                                    



Nagkwentuhan kami ni Mira pagkagising na pagkagising namin. Hanggang umabot kami sa topic tungkol kay Zumiere. Inamin ko sa kaniya lahat nang gusto kong sabihin na hindi ko masabi kay Zumiere.


"One thing I notice about him is that he always draws a line between us after getting my hopes up that maybe... maybe, he likes me too..." I pointed out, "Not just a friend but, more than that... or maybe assuming lang din talaga ako?" dugtong ko at sarkastikong natawa sa sarili.


"Kahit ako rin naman tatanungin eh, pakiramdam ko parang may nararamdaman din siya sayo. Look, I notice how he change, he doesn't play around anymore, and the way he looked at you and cared for you, iba kina Ryo at Mavis. Makikita talaga... alam mo yun... parang may iba,"


Mahina ko siyang binatukan. "Kasalanan mo to eh, dahil d'yan sa mga pinagsasabi mo, umaasa tuloy ako, bruha ka." natawa lang ang bruha sa sinabi ko.


"Hindi ka naman ganito Lufena. You're a very straightforward person kaya ba't ka nagtatago? What's holding you back?" dagdag na tanong niya. Hindi ko siya sinagot, kasi hindi ko rin alam.


"Face him and ask him about it. Walang magagawa 'yang pag o-overthink mo r'yan. Hindi ko rin masasagot lahat ng katanungan mo dahil hindi naman ako siya. Walang ibang makakasagot n'yan kundi siya lang." pagtatapos niya sa usapan at bumangon mula sa kama. "Ba't ba ako na-i-stress sa mga lovelife ninyo, dinadamay niyo pa ako r'yan, makaligo na nga lang." reklamo niya.


Hinagis ko ang tuwalya sa mukha niya at hinagisan niya rin ako pabalik ng pambahay na tsinelas. Gumulong ako sa kama para sana umilag pero nahulog ako dahil sa liit ng space ng kama ko kaya nagtawanan kaming dalawa.


Napaisip tuloy ako na tama nga naman si Mira, ba't ko ba to pinoproblema? Sinubukan ko namang kaibiganin siya. Pero alam ko... sa umpisa pa lang malabo na talagang maging magkaibigan kami. Dahil may nararamdaman ako para sa kaniya. I've got nothing to lose. I'm willing to risk everything for him. After thinking about it for too long. I've finally made a decision that I'm going to ask him. Nakita ko siyang papalabas na ng school gate.


"Zumiere!" tawag ko sa kaniya.


Lumingon siya sa'kin. Dahan-dahan ang naging paglapit ko papunta sa kaniya. For some reason, he seemed cold and distant.


Napalunok ako pagkahinto sa harapan niya. Nakapamulsa siya at diretsong nakatitig sa'kin. Nagtatanong ang mga mata kung anong kailangan ko. "Um... s-san ka pupunta?" wala sa sariling tanong ko. I bite my lower lip. Hindi naman ito ang sasabihin 'ko sa kanya.


Inayos niya ang bag nakasabit sa kaliwang balikat niya habang ang isang kamay ay nakalagay sa bulsa. "Uuwi na." simpleng sagot niya.


Dahan-dahan akong tumango at nag-isip nang susunod na sasabihin. Nablanko ako bigla.


"Why?" dugtong na tanong niya.


Yumuko ako at napapikit nang mariin. Halata namang uuwi na siya, ba't ko pa tinanong 'yon? Huminga ako nang malalim bago tumingin ulit sa kaniya. "G-galit ka ba sa'kin?" sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na tanungin siya. Hindi niya inasahan ang naging tanong ko kaya medyo nagulat siya.

365 Days With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon