Chapter 8, Title: Love Letters and Flowers

60 5 0
                                    

A/N: Check the multimedia to view the band members' official pictures and names. Credits to each photo's rightful owner.

***


Ilang araw na rin ang lumipas magmula nang mangyari ang hindi inaasahang trahedya na 'yon. Pinanindigan nga ni Zumiere ang sinabi niya. Palagi na niya akong sinasamahan kahit saan ako magpunta. Hinahatid niya rin ako sa bahay. Somehow, I felt relieved. I feel safe when I'm with him. And I forgot about that incident because of his presence. It's like it never happened.


Nung nakita siya ni Mama at Papa ay wala na akong choice kundi papasukin siya sa bahay at ipakilala sa kanila. Naaalala ko pa...


"Ma, si Zumiere. Kaibigan ko." sabi ko kay Mama, abot langit ang ngiti ni Mama habang sinusuri ang mukha ni Zumiere.


"Boyfriend mo?" tanong niya.


Umiling agad ako. "Kakasabi ko lang Ma, kaibigan ko siya." ulit ko para maintindihan niya nang maayos.


"Hello po tita," nagmano si Zumiere kay Mama. Lumapit din si Papa sa'min kaya pinakilala ko siya kay Papa. Magalang siyang nagmano kay Papa.


"Bakit may pahatid?" tanong ni Papa.


Nilingon ako ni Zumiere. Binigyan ko agad siya ng isang makahulugang tingin. Wag... hindi mo pwedeng sabihin ang totoong dahilan. Batid kong nakasulat ang mga katagang 'yon sa buong mukha ko. Mabuti nalang at na gets niya.


"I just want to make sure she's safe, Tito." aniya.


Kinabahan agad ako, baka may karugtong na tanong pa si Papa at walang choice si Zumiere kundi sabihin ang lahat. I can't ask him to lie for me. Nakahinga naman ako nang maluwag nung hindi na siya nagtanong pa. Akala ko malalaman na nila lahat. Ayoko talagang malaman nila.


Kilala ko sila. Hindi na nila ako hahayaang lumabas o magsaya araw man o gabi, kahit sabihin pa na kilala nila ang kasama ko. Kahit si Mira pa ang kasama ko na tinuturing narin nilang anak. Baka madamay pa ang pamilya ni Yvonne at ma-iskandalo sila. I know Mama's capable of doing that. Kasalanan ko lahat ang nangyari kaya ayoko silang madamay sa kasalanang ginawa ko mag-isa.


"Pasok ka hijo, mag meryenda ka muna sa loob." aya ni Mama kay Zumiere.


Hindi man lang nila hinintay ang sasabihin ko at pumasok na sila sa loob ng bahay namin. Iniwan nila akong mag-isa sa labas. Wow, close na silang tatlo agad?


Iniwan ko muna sa living room si Zumiere, nagpaalam ako na magbibihis lang muna saglit. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba agad ako at nakita ko si Zumiere na nakaupo sa malaking sofa namin habang nasa kandungan niya ang kapatid ko. May pinapanood sila sa cellphone ni Zumiere. Ngumiti ako sa nakita, himala at hindi na mahiyain ang kapatid ko sa ibang tao. He looks comfortable around Zumiere.

365 Days With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon