Chapter 4, Title: Realization

122 6 0
                                    



Dahan-dahan akong napatayo mula sa pagkaka-upo nung papalapit na siya sakin. Pakiramdam ko nag slow motion ang mundo ko habang papalapit siya sa kinatatayuan ko.


Ramdam ko ang gulat at pag-singhap ng mga kaibigan ko. Nang tuluyan na siyang makalapit ay pilit ang ngiting iginawad ko sa kaniya dahil gulat parin ako sa loob-loob ko.


"Hey." He greeted.


Paano? Siya ba talaga?


"Ikaw ba--"


"Zumiere? Hi baby!" Naputol ang sasabihin ko nang may biglang sumulpot na magandang babae. Pinulupot niya agad ang braso sa leeg ni Zumiere kasabay ng paghalik niya sa pisngi nito.


Another girl? Maybe... well... yes! This is Zumiere we were talking about. Akala ko pa naman siya na yung nagpapadala ng sulat. Mukhang mali ako. I sighed and looked away. I was wrong. May babae pala siyang kikitain dito. First, corridors? Now what? Library? I scoffed in my mind.


"Baby... I miss you, hindi muna sinasagot ang mga tawag ko..." mahinang bulong ng babae sa kaniya, halatang nagtatampo.


Nasa library kami kaya bawal maingay pero dahil nasa harap ko sila ay rinig na rinig ko.


"I'm sorry, I was busy. Let's talk later." bulong ni Zumiere sa babae. Medyo lumayo sila sakin.


Naramdaman ko ang paghawak ni Ryo sa braso ko. Nakalapit na pala siya sakin, hindi ko man lang napansin. Nasa harap kasi ang buong atensyon ko.


"Tara na." aya ni Ryo saka mahina akong hinila pero hindi ako nagpadala.


"Ryo..." mahinang sambit ko.


Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko pinipiga ang puso ko. Hindi ko rin alam kung ba't parang dinudurog ang puso ko. Dahil ba hindi sumipot ang Unknown Secret Admirer ko o dahil sa nakikita ko ngayon sa harapan ko?


Really, Lufena? Tinatanong mo pa? You know exactly why, Lufena. Stop denying it. You can fool them, but you can't fool your own feelings and yourself.


"Tara na Lufena, hindi na sisipot ang tarantadong 'yon. Nagmumukha ka lang tanga rito, naghihintay sa wala. Kung ayaw niyang magpakilala, 'di 'wag. Marami pa namang ibang lalake r'yan . Makakahanap ka pa ng mas matino." iritado at medyo galit na sabi ni Ryo.


Umangat ang tingin ko kay Ryo ngunit wala sa akin ang paningin niya kundi kay Zumiere na kayakap parin ang babae niya. Bumalik ang tingin ko kay Zumiere at sa babae niya.


Hinalikan siya ng babae sa pisngi at umalis na ito sa harapan namin. Sinundan lang namin siya ng tingin. Maganda ang babae, halatang tourism student.

365 Days With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon