Chapter 20, Title: 18 Birthday

81 7 0
                                    

A/N: Lufena Guttierrez in the multimedia.

***


Nagising ako dahil sa ingay galing sa labas. What is happening? Kinusot ko ang mata ko at tamad na bumangon sa kama.


Bumukas ang pinto at biglang pumasok si Louis. "Happy-- What happened ate? You look like a zombie, no, more like a ghost!" salubong agad nito sa'kin. Sinuri niya pa ako. Napatingin naman ako sa salamin.


Ang laki ng eyebags ko. Si Zumiere kasi eh. Isang oras yata kami nag-usap sa tawag, kaya 1 am na ako nakatulog. Nasabi na rin niya yung tungkol sa importanting lakad niya. He had to meet his parents na galing sa singapore, kakauwi lang daw sa pinas kahapon at may family dinner sila.


"Natagalan ako dahil hinatid ko pa sila sa airport, masyado silang busy kaya kailangan na agad nilang umalis. I just want to inform you about that. I think I have to go. Sleep well, Lufena." he explained before he ended the call. He smiled at me and waved his hands before walking away to get into his car and drive off.


That's what happened. Akala ko panaginip lang. I was lowkey happy about it. He started opening up to me, nahihiya kasi akong magtanong ng mga bagay na tungkol sa kanya. I want to respect his own privacy.


"Happy birthday, ate! I love you!" Louis said, then hugged me and kissed my cheeks.


"Aaaaw, how sweet of you. Thank you, I love you more." niyakap ko rin siya at pinitikan ng halik sa noo.


"Yuck ate! Mag toothbrush ka nga muna, panis laway mo eh." umiwas siya at marahan na tinulak ako.


"Akala ko ba love mo 'ko?!" biro ko sa kanya. Gusto ko siyang asarin kaya pinipilit ko siyang i-lapit sa'kin para halikan habang nandidiri naman siyang tinutulak ako.


"Pa-kiss lang eh! Damot!" pagmamaktol ko nang makawala siya at mabilis na tumakbo papunta sa pintuan.


"Ambaho mo ate maligo nga muna kayo," reklamo nito at lumabas na.


Sumimangot naman ako sa sinabi niya, inamoy ko tuloy yung sarili ko. Mukhang tama nga siya...


Ang ingay talaga sa baba, ano ba kasing meron?Bumaba na ako at nadatnan ang mga kaibigan kong nasa sala naglalaro ng charades. Nung nakita ako ni Joana ay agad niya akong tinuro kaya napalingon rin ang iba sa'kin.


"Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!" kanta agad nila with matching claps pa.

365 Days With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon