Mabilis lumipas ang araw hanggang sa dumating ang kaarawan ni Pres Yvonne. Pinaghandaan talaga namin ni Mira kung anong isusuot namin mamaya at ireregalo sa kaniya. She will turned 20 today.
"Basta mag-iingat ka roon ha, no drugs and alcohol." paalala ni Mama.
"Alam ko Ma." sagot ko. Ilang beses na niyang sinabi 'yan, nakakasawa na.
"No sex-"
"Ma! Ano ba! Nandito si Louis." saway ko kay Mama at agad tinakpan ang tenga ni Louis. Malutong na tumawa si Papa.
"Dalaga ka na, malaki ka na. Alam mo na ang limitasyon mo. Ayos lang magsaya. Wag lang kalimutan ang responsibilidad mo at limitasyon sa mga bagay-bagay. May tiwala kami sayo anak, alam kong hindi mo kami bibiguin." sabi ni Papa.
Ngumiti ako at niyakap silang tatlo. "Opo Pa, wag kayong mag-aalala. Salamat rin po sa tiwala. Nasa labas na po si Mira. Yung driver nila ang maghahatid samin don. Baka bukas ng gabi pa po ako makakauwi, ayos lang po ba?" paalam ko. Sunday naman bukas, walang pasok.
Nakangiti silang tumango sa akin. I hugged them again bago ako lumabas ng bahay. Kumaway pa sila at nagbilin ulit na mag-iingat ako roon.
"Wow! You looked gorgeous in that dress, my love." bola agad ni Mira bago bumeso sa'kin.
"You too." nagbolahan kaming dalawa.
I'm wearing a champagne-colored dress hollow out na X ang likod. I looked sexy in this night dress—light make-up lang. I also wear a lace bracelet, hoop earrings, and a necklace with a tear-pendant colored blue.
Si Mira naman ay nakasuot ng bubble sleeve, square top black dress na hanggang tuhod lang. Her hair tied into a messy bun. Simple lang pero bagay na bagay sa kaniya. Maputi si Mira pero mas lamang yung kaputian ko sa kaniya.
"Pretty bestfriends in a car, I love it!" aniya nung nasa loob na kami ng sasakyan.
Puro selfie lang ang ginawa namin sa loob ng kotse habang bumabyahe. Tumigil lang nung nakarating na kami. Sa labas ng gate pa lang ay marami nang nakapark na mga mamahaling sasakyan. Pagpasok namin sa gate ay bumungad agad sa amin ang ingay at tawanan ng mga tao mula sa loob ng mansion. Sabay kaming bumaba sa kotse. Naglakad kami papunta sa main door, may nagbabantay kaya binigay namin ang invitation card para papasukin kami sa loob. Ang lawak at sobrang laki ng main hall nila.
Lumapit agad kami kay Pres Yvonne pagkakita namin sa kaniya. Mabuti nalang at mabilis namin siyang nahanap. Ang ganda niya sa kaniyang suot na mini gown blue dress. She looked a princess tonight.
"Happy birthday, Pres Yvonne!" bati namin ni Mira at bumeso sa kaniya.
"Thank you... But gosh! Akala ko kung sino 'tong kasama mo Mira, si Lufena lang pala. Grabe ang sexy mo naman! 17 ka pa pero yung katawan mo purmado na, nakakainggit!" nakangiting aniya. May pa hawak pa sa noo na parang na i-stress.
BINABASA MO ANG
365 Days With You [COMPLETED]
Teen FictionLufena Guttierrez is a beautiful teenager girl, she had it all, the beauty, talent, a loving family and friends. She almost have everything well, except for a boyfriend. She never had one. Wala na kasing nagtatangkang manligaw dahil takot mareject s...