Chapter 23, Title: Officially Together

89 5 0
                                    



Hindi nila ako nakita dahil malayo ako sa kinatatayuan nila. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila pero kita ko sa mukha ni Daphne ang pag-aalala, lungkot, at galit.


Mukha silang nagtatalo. Mabigat ang paghinga ni Zumiere dahil kita 'yon sa bawat pag-angat ng balikat niya. Nung papalapit na ako ay nakita ako ni Daphne. Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Biglang umalis si Zumiere kaya mas binilisan ko ang pag lakad para maabutan siya pero nakaalis na siya nung makalapit ako. Susundan ko pa sana siya kaso bigla akong hinawakan ni Daphne sa braso para pigilan ako kaya tumingin ako sa kaniya.


"Let him be, don't follow him." She said.


Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa braso ko kaya bumitiw siya nang mapansin ang masama kong tingin. Umangat ang tingin ko sa kaniya. Kumunot ang noo ko. Habang siya ay seryoso pero mababasa ang konting galit sa mga mata.


"Anong nangyari? Anong pinag-usapan ninyo?" diretsong tanong sa kaniya.


Bakit siya nandito? Gusto kong idagdag. Pero mas pinili kong hintayin ang sagot niya.


"He's mad at me. As you can see, I'm not plastic. I told him I don't like you, for him. You are not suitable for him. I like Zumiere. He knows that." diretsahang sabi niya.


Hindi ko ikinagulat ang pagtatapat niya ng damdamin para kay Zumiere. Mas nagulat ako dahil sobrang prangka niyang magsalita. Sarkastiko akong natawa. "As you can see, I'm the one he loves, and I don't care if you don't like me or not. Whether you like it or not, he loves me and there is nothing you can do about it." I blurted out.


Mataray siyang lumapit sa'kin. She raised one brow, intimidating me. Hindi ako nagpatinag. Nangako ako sa sarili ko na hindi magpapadala sa kahit na sino, kahit sa sarili kong damdamin na selos at takot. Paninindigan ko yun ngayon.


"Hindi mo rin obligasyon na magustohan ako para sa kaniya." dugtong ko. Hindi iniiwas ang tingin sa kaniya. I leveled her eyes.


She only smirked and crossed her arms. "I know everything about him. What about you? Do you know anything about his personal life? I'm warning you now Lufena," napaatras ako dahil mas lumapit siya. Mas matangkad siya pero diretsahan ko siyang tinitigan sa mata. Pinapakita na hindi ako natatakot sa mga patutsada niya.


"You don't have a future with Zumiere, and Zumiere... won't have a future with you." She stated seriously, glaring at me.


Kumunot ang noo ko. "At ikaw meron? Diyos ka ba? Pano mo nasabi?" pilosopang tanong ko sa kaniya. Umiling siya. Nakita kong may dumaan na lungkot sa mga mata niya, pero nawala rin ito agad.


"No, but you'll start asking God soon... Why it has to be Zumiere? So now is the right time to decide. Leave him and save yourself or choose him and hurt yourself. I will never forgive you if you regret your decision Lufena and hurt Zumiere. I don't even think you love Zumiere just as much as I love him. I'm the right one for him because I know much more about him than you do." diniinan niya ang huling salitang sinabi.

365 Days With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon