"Never mind." aniya at naglakad nalang. "Bigat mo." komento niya pa.
Pinalo ko ang balikat niya. Nakakainis talaga siya! Dumating na kami sa gym at dahil nandito siya, napatingin sila sa aming dalawa.
"Ms. Guttierrez, you're late! Where have you been--Oh, Mr. Suarez? Anong nangyari at buhat-buhat mo si..." Sir glanced at me with many questions in his eyes.
"She stumbled and sprained her ankle Sir, so I helped her." paliwanag niya agad para hindi iba ang isipin nila.
Narinig kong nakahinga nang maluwag ang mga tagahanga niya. Yung iba naman ay tahimik lang. Nag-aalala ang professor na tumingin sa paa kong naka bandage, bago tumingin sa'kin. "A-are you alright Ms. Guttierrez?" nag-aalalang tanong nito.
Tipid akong ngumiti at tumango. "I can still perform Sir." sagot ko. Tumango siya tsaka iminuwestra ang harap.
Lumapit si Joana at nagkwento agad sa akin na tapos na silang mag perform. May nilagay din siyang silya para makaupo ako. Spoken poetry daw ang ginawa niya at si Ryo naman ay sumayaw nang hiphop kasama ang ibang lalake, tudo tawanan daw sila dahil freestyle yung ginawa nila at ang pangit daw nilang sumayaw, kaya natawa ako sa kwento niya.
Habang nagkukwento si Joana ay hindi parin ako binababa ni Zumiere, kaya nilingon ko siya para sana pagsabihan. "It's your turn to perform Lufena," He pointed out, "Sa harap mo ilagay ang upuan Joana." utos niya kay Joana, tumango si Joana at sinunod siya.
Naglakad siya papunta sa harap at dahan-dahan akong binaba sa upuan, inalalayan naman ako ni Joana sa pag-upo. Humarap siya sa'kin sabay lahad ng gitara niya. "Use this. I'll wait 'till you're done." Binuksan niya ang case ng gitara at kinuha ang gitara bago ibigay ito sa'kin, tinanggap ko naman ito. Ginulo niya ang buhok ko, kaya umangat ang tingin ko sa kanya.
"Good luck." sabi niya at naglakad na para pumunta sa likuran.
"Whooooo! Go Lufena!" cheer sa'kin ni Joana habang pumapalakpak.
Nakatayo silang lahat sa harapan ko. Huminga ako nang malalim bago inayos ang pwesto ng gitara sa aking kandungan. Nakita ko ang skull keychain na nakasabit sa dulo ng gitara niya. I smiled as I touched it. But then I realized...
Wala pa pala akong naisip na kanta!
Teka, anong kakantahin ko?
"Go on Lufena, ikaw nalang ang hindi pa nakakapag perform." rinig kong sabi ni Sir.
Tumango ako kahit wala pa akong naisip. But then...
I looked at Zumiere, and his eyes were fixed on me. When I think of him and my love for him, only one song comes to my mind. I started strumming.
"Loving him is like, driving a new Maserati down a dead-end street... Faster than the wind, passionate as sin, ending so suddenly..." kanta ko, nakatuon sa kaniya ang paningin ko at ganun rin siya sa'kin.
BINABASA MO ANG
365 Days With You [COMPLETED]
Teen FictionLufena Guttierrez is a beautiful teenager girl, she had it all, the beauty, talent, a loving family and friends. She almost have everything well, except for a boyfriend. She never had one. Wala na kasing nagtatangkang manligaw dahil takot mareject s...