Chapter 19, Title: Love grows

41 5 0
                                    



Hindi ako pinatulog sa sinabi ni Zumiere sa'kin. Seryoso? Manliligaw talaga siya? What if... gaya nung iba hihinto rin siya? Sasagutin ko na ba?


But I want to know everything about him first, like, get to know each other... I don't want to rush into a relationship with him just because I'm afraid I might lose him in the process. If he really likes me, then he should wait, right? Ugh!


Ginulo ko ang buhok ko at napa-balikwas ng bangon nababaliw na ako sa kakaisip kung anong dapat kong gawin. Naghintay rin naman ako sa kanya... Ngayong umamin na siya sa totoong nararamdaman niya ay natatakot ako.


Paano kung ma-realize niya na hindi niya pala talaga ako gusto? I have trust issues now, I doubted and overthink about everything. Natatakot ako na baka gaya ng dati ay katulad rin siya ng dating nagustohan ko. Iniwan ako...


But maybe Zumiere is different. Right? Yeah, I should stop comparing him to those idiots. That's unfair on his part. Well, let's just see.


I looked at my study table where I had put the box, inside were those love letters my secret admirer had given me. Should I throw them away? I sighed. Maybe not today. I turned off the light and went back to bed to sleep.


Gosh. I want to hide right now. Kanina nagising ako sa biglang pagpasok ni Mama sa kwarto at sinabing nasa baba daw ang manliligaw ko. Kaya agad akong naligo at nagbihis tsaka nag-ayos ng sarili bago bumaba.


That was not a dream! He's here! He likes me!


Tumikhim si Papa habang nakahalukipkip kaya lumingon ako sa kaniya. Nasa sala kami ngayon. Nakaupo sa magkaharap na sofa, nasa harap namin sina Mama at Papa. Katabi ko si Zumiere at walang emosyon na mababasa sa kanyang mukha. Samantalang heto ako, parang gusto ko nalang magtago o tumakbo papalayo dito dahil sa kaba na nadarama.


Si Mama halatang masaya sa nangyayari at strikto naman'g tingnan si Papa. Nakakunot ang noo at magkasalubong ang dalawang kilay. Si Louis kanina pa pumasok sa school niya.


"Gusto mong ligawan ang anak ko?" ulit ni Papa sa pahayag ni Zumiere kanina.


"Nanliligaw na po ako, sinasabi ko lang po sainyo." agad akong lumingon kay Zumiere sa sinabi niya, nanlalaki ang mata.


Bakit parang sinasabi niya na wala siyang pakialam kung papayag si Papa o hindi?!


Tumikhim ulit si Papa. Nako, patay. Sana man lang nagpa-good shot siya pero heto siya't nag-mamataas sa harap ni Papa.


365 Days With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon