Chapter 3, Title: Can't Help Falling in Love with You

125 6 0
                                    



Usap-usapan na sa buong campus ang tungkol kay Zumiere Suarez. Hindi ko alam kung bakit maraming babaeng nagkakandarapa sa kaniya. Oo, gwapo nga siya pero gwapo lang? Yun lang? Patay na patay na agad sila sa ganun?


I heard he don't settle and commit into serious relationships. He just flirt with whoever he wants and wants him. Pumapatol siya sa mga babaeng sport sa gusto niya. Kahit saan ako magpunta, palaging bukambibig nila, Zumiere Suarez. Ano bang meron sa kaniya? He's just a playboy.


Isa lang ang hindi nagbago, yun ay palagi paring nagpapadala ng love letter ang Unknown Secret Admirer ko. Hindi namin mahuli kung sino ang naglalagay ng mga letter sa locker ko.


"I was invited sa birthday party ni Pres Yvonne next week! Yey! Isasama ko raw kayo!" masayang anunsyo ni Mira sa amin. Nasa cafeteria kami.


"Talaga? Kailan 'yan?" tanong ni Ryo na sabay namang binatukan ni Mira at Joana. Sabay pa silang nag apir pagkatapos batukan ang kawawang si Ryo.


"Next week nga diba! Bobo nito!" sabay rin nilang sabi.


"Kailangan talaga nananakit?! Sumusobra na kayo, ha. Simula nung naging kaibigan ko kayo, lagi na 'kong bugbog sarado." reklamo ni Ryo. Hindi namin siya pinansin.


"Nakakahiya, hindi kami invited." nakasimangot na sabi ni Berly.


Part ng dance troupe sila Berly, Megan, at Joana. Si Ryo naman ay Varsity Soccer Player kaya sikat siya sa University dahil sa galing niya sa Soccer. Si Mira naman ay sa Music and Arts club. Si Lizel? Busy sa mga part-time job's' niya, oo, with 's' talaga sa sobrang dami.


Wala akong club na sinalihan o ibang pinagkaka-abalahan dahil mas gusto kong mag focus sa pag-aaral. Nakakatamad na rin kasi. Iniwan ko na sa High-school ang sipag ko. Nagulat nga sila. Ako itong halos lahat na club at sports sinasalihan noon, pero ngayon wala na.


"Pinagsasabi niyo r'yan? Baka nakakalimutan niyong kaibigan at kilala natin si Pres Yvonne during high-school years. Invited lahat ng kilala. Wag na kayong umangal, magagalit talaga yun pag hindi kayo pumunta." pagtatapos ni Mira.


SSG President iyong kaibigan namin na si Yvonne Perez. Pres Yvonne ang tawag namin sa kaniya. Magka-year level sila ni Mira. Maganda, mabait rin yun at matulongin, lalo na sa aming lahat. I'm sure halos lahat ng studyante pupunta. Mayaman sila kaya sigurado ako na engrande ang birthday party niya.


"Malapit narin ang birthday mo Lufena. Anong plano nila Tita sa debut mo? Sino escort mo?" baling sakin ni Mira.

365 Days With You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon